< Isaias 33 >

1 Kayo ay kaawa-awa, kayong mga tagawasak na hindi pa nawawasak! Kaawa-awa kayong mga taksil na hindi pinagtaksilan! Kapag itinigil ninyo ang pangwawasak, kayo ay mawawasak. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil, sila ay magtataksil sa inyo.
הוי שודד ואתה לא שדוד ובוגד ולא בגדו בו כהתמך שודד תושד כנלתך לבגד יבגדו בך׃
2 Yahweh, maging maawain ka sa amin; maghihintay kami para sa iyo; maging aming bisig tuwing umaga, aming kaligtasan sa panahon ng kaguluhan.
יהוה חננו לך קוינו היה זרעם לבקרים אף ישועתנו בעת צרה׃
3 Sa lakas ng ingay tumatakas ang mga tao; kapag bumangon ka, ang mga bansa ay nagkakawatak-watak.
מקול המון נדדו עמים מרוממתך נפצו גוים׃
4 Ang iyong nasamsam ay tinitipon gaya ng mga balang na nagtitipon; gaya ng paglukso ng mga balang, ang mga tao ay lumulukso dito.
ואסף שללכם אסף החסיל כמשק גבים שוקק בו׃
5 Si Yahweh ay itinaas. Siya ay naninirahan sa isang mataas na lugar. Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.
נשגב יהוה כי שכן מרום מלא ציון משפט וצדקה׃
6 Siya ay magiging katatagan sa mga panahon ninyo, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan, at kaalaman; ang pagkatakot kay Yahweh ay ang kaniyang kayamanan.
והיה אמונת עתיך חסן ישועת חכמת ודעת יראת יהוה היא אוצרו׃
7 Pagmasdan mo, umiyak ang kanilang mga sugo sa mga lansangan; kinatawang umaasa para sa kapayapaan ay nanangis nang may kalungkutan.
הן אראלם צעקו חצה מלאכי שלום מר יבכיון׃
8 Ang mga malawak na daanan ay napabayaan; wala ng mga manlalakbay. Ang mga kasunduan ay nasira, ang mga saksi ay hinamak, at ang mga lungsod ay hindi iginalang.
נשמו מסלות שבת עבר ארח הפר ברית מאס ערים לא חשב אנוש׃
9 Ang lupain ay nagdadalamhati at natutuyot; ang Lebanon ay nalalanta at natutuyot; ang Sharon ay tulad ng isang patag na disyerto; at ang Bashan at Carmelo ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.
אבל אמללה ארץ החפיר לבנון קמל היה השרון כערבה ונער בשן וכרמל׃
10 “Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas.
עתה אקום יאמר יהוה עתה ארומם עתה אנשא׃
11 Nagbuntis kayo ng ipa, at ipanganganak ninyo ay dayami; ang inyong hininga ay isang apoy na tutupok sa inyo.
תהרו חשש תלדו קש רוחכם אש תאכלכם׃
12 Ang bayan ay masusunog sa apog, gaya ng mga mayabong na halamang tinik na pinuputol at sinusunog.
והיו עמים משרפות שיד קוצים כסוחים באש יצתו׃
13 Kayo na nasa malayo, pakinggan ninyo kung ano ang aking nagawa; at, kayo na nasa malapit, kilalanin ninyo ang aking kakayahan.”
שמעו רחוקים אשר עשיתי ודעו קרובים גברתי׃
14 Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
פחדו בציון חטאים אחזה רעדה חנפים מי יגור לנו אש אוכלה מי יגור לנו מוקדי עולם׃
15 Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama.
הלך צדקות ודבר מישרים מאס בבצע מעשקות נער כפיו מתמך בשחד אטם אזנו משמע דמים ועצם עיניו מראות ברע׃
16 Siya ay gagawa ng kaniyang tahanan sa kaitaasan; ang lugar ng kaniyang kuta ay magiging mga batong tanggulan; ang kaniyang pagkain at tubig ay magpapatuloy na dadaloy.
הוא מרומים ישכן מצדות סלעים משגבו לחמו נתן מימיו נאמנים׃
17 Makikita ng inyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan; sila ay tatanaw ng isang malawak na lupain.
מלך ביפיו תחזינה עיניך תראינה ארץ מרחקים׃
18 Magugunita ng inyong puso ang kilabot; nasaan ang eskriba, nasaan siya na nagtimbang ng pera? Nasaan siya na bumilang ng mga tore?
לבך יהגה אימה איה ספר איה שקל איה ספר את המגדלים׃
19 Hindi na ninyo makikita ang bayan na suwail, isang bayan na may isang kakaibang wika, na hindi ninyo mauunawaan.
את עם נועז לא תראה עם עמקי שפה משמוע נלעג לשון אין בינה׃
20 Pagmasdan ang Sion, ang lungsod ng aming mga pista; makikita ng inyong mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na matitirahan, isang tolda na hindi maaalis, na ang mga tulos ay hindi mahihila ni anuman sa mga tali nito ang masisira.
חזה ציון קרית מועדנו עיניך תראינה ירושלם נוה שאנן אהל בל יצען בל יסע יתדתיו לנצח וכל חבליו בל ינתקו׃
21 Sa halip, ang kadakilaan ni Yahweh ay mapapasaatin, sa isang lugar na malawak na mga ilog at batis. Walang bapor na pandigma na may mga sagwan ang maglalakbay dito, at walang mga malalaking barko ang maglalayag dito.
כי אם שם אדיר יהוה לנו מקום נהרים יארים רחבי ידים בל תלך בו אני שיט וצי אדיר לא יעברנו׃
22 Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.
כי יהוה שפטנו יהוה מחקקנו יהוה מלכנו הוא יושיענו׃
23 Ang inyong mga palubid at palayag ay maluwag; hindi nila mapipigilan ang poste ng bapor sa lugar; hindi nila mailaladlad ang layag; kapag ang malaking samsam ay nahati, kahit ang pilay ay hihilahin ang nasamsam.
נטשו חבליך בל יחזקו כן תרנם בל פרשו נס אז חלק עד שלל מרבה פסחים בזזו בז׃
24 Hindi sasabihin ng mga naninirahan, “Ako ay may sakit;” ang bayan na naninirahan doon ay patatawarin sa kanilang kasalanan.
ובל יאמר שכן חליתי העם הישב בה נשא עון׃

< Isaias 33 >