< Awit ng mga Awit 1 >

1 Ang Awit ng mga Awit ni Solomon. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang dalaga
שיר השירים אשר לשלמה׃
2 O, halikan mo ako ng mga halik ng iyong bibig, dahil mas mainam kaysa sa alak ang iyong pag-ibig.
ישקני מנשיקות פיהו כי טובים דדיך מיין׃
3 May kaaya-ayang halimuyak ang iyong mga langis na pamahid; parang pabangong dumadaloy ang iyong pangalan, kaya iniibig ka ng mga dalaga.
לריח שמניך טובים שמן תורק שמך על כן עלמות אהבוך׃
4 Isama mo ako, at tayo ay tatakbo. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang dalaga. Dinala ako ng hari sa kaniyang mga silid. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang dalaga Masaya ako, nagagalak sa iyo; hayaan mong ipagdiwang ko ang iyong pag-ibig, mas mainam ito kaysa sa alak. Tama lang na hangaan ka ng ibang mga kababaihan. Nagsasalita ang babae sa ibang kababaihan.
משכני אחריך נרוצה הביאני המלך חדריו נגילה ונשמחה בך נזכירה דדיך מיין מישרים אהבוך׃
5 Nagsasalita ang babae sa ibang mga kababaihan. Ako ay kayumanggi pero maganda, kayong mga dalaga ng mga kalalakihan ng Jerusalem- kayumanggi tulad ng mga tolda ng Kedar, maganda tulad ng mga kurtina ni Solomon.
שחורה אני ונאוה בנות ירושלם כאהלי קדר כיריעות שלמה׃
6 Huwag akong titigan dahil sa ako ay kayumanggi, dahil ako ay bahagyang sinunog ng araw. Ang mga lalaking kapatid ko sa ina ay galit sa akin; ginawa nila akong taga-pangalaga ng ubasan, pero ang sarili kong ubasan hindi ko napanatili. Nagsasalita sa kaniyang kasintahan ang babae
אל תראוני שאני שחרחרת ששזפתני השמש בני אמי נחרו בי שמני נטרה את הכרמים כרמי שלי לא נטרתי׃
7 Sabihin mo sa akin, ikaw na aking mahal, saan mo pinapakain ang iyong kawan? Saan mo pinagpapahinga ang iyong kawan sa katanghalian? Bakit ako dapat maging katulad ng isang tao na nagpapalakad-lakad sa tabi ng mga kawan ng iyong mga kasamahan? Sumasagot sa kaniya ang kaniyang mangingibig.
הגידה לי שאהבה נפשי איכה תרעה איכה תרביץ בצהרים שלמה אהיה כעטיה על עדרי חבריך׃
8 Kung hindi mo alam, pinakamaganda sa mga kababaihan, sundan mo ang dinaraanan ng aking kawan, at ipastol mo ang iyong mga batang kambing malapit sa mga tolda ng mga pastol.
אם לא תדעי לך היפה בנשים צאי לך בעקבי הצאן ורעי את גדיתיך על משכנות הרעים׃
9 Inihahambing kita, aking mahal, sa isang inahing kabayo na nabibilang sa mga kabayo ng mga karwahe ni Paraon.
לססתי ברכבי פרעה דמיתיך רעיתי׃
10 Ang iyong mga pisngi ay magandang may palamuti, ang iyong leeg may kwintas ng mga hiyas.
נאוו לחייך בתרים צוארך בחרוזים׃
11 Gagawan kita ng gintong mga palamuti na may mga batik-batik na pilak. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
תורי זהב נעשה לך עם נקדות הכסף׃
12 Habang nakahiga ang hari sa kaniyang papag, naglabas ng halimuyak ang aking nardo.
עד שהמלך במסבו נרדי נתן ריחו׃
13 Para sa akin, tulad ng isang sisidlan ng mira ang aking minamahal na nagpapalipas ng gabi nakahiga sa pagitan ng aking mga dibdib.
צרור המר דודי לי בין שדי ילין׃
14 Para sa akin, ang aking minamahal ay tulad ng isang kumpol ng mga bulaklak ng hena sa ubasan ng En-gedi. Nagsasalita sa kaniya ang kaniyang kasintahan
אשכל הכפר דודי לי בכרמי עין גדי׃
15 Tingnan mo, maganda ka aking mahal, tingnan mo, maganda ka; parang mga kalapati ang iyong mga mata. Nagsasalita ang babae sa kaniyang mangingibig.
הנך יפה רעיתי הנך יפה עיניך יונים׃
16 Tingnan mo, makisig ka, aking minamahal, o anong kisig mo. Ang mga malalagong halaman ay nagsisilbing ating higaan.
הנך יפה דודי אף נעים אף ערשנו רעננה׃
17 Ang mga biga ng ating bahay ay mga sanga ng puno ng sedar, at ang pamakuan ng ating bubong ay mga sanga ng pir.
קרות בתינו ארזים רחיטנו ברותים׃

< Awit ng mga Awit 1 >