< Isaias 23 >

1 Isang pahayag tungkol sa Tiro: Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil wala na kayong tahanan ni daungan; naihayag ito sa kanila mula sa lupain ng Kittim.
משא צר הילילו אניות תרשיש כי שדד מבית מבוא מארץ כתים נגלה למו׃
2 Mamangha, kayong mga naninirahan sa baybayin, kayong mangangalakal ng Sidon, na naglalayag sa karagatan, na ang mga kinatawan ang nagtutustos sa inyo.
דמו ישבי אי סחר צידון עבר ים מלאוך׃
3 At sa malawak na katubigan ang butil ng rehiyon ng Sihor, ang ani ng Nilo ay dinala sa Tiro; siya ang pamilihang lugar ng mga bansa.
ובמים רבים זרע שחר קציר יאור תבואתה ותהי סחר גוים׃
4 Mahiya kayo lupain ng Sidon; dahil nagsalita na ang dagat, ang isang makapangyarihang dagat. Sinasabi niya, “hindi ako naghirap o nanganak, ni nag-alaga ng mga batang lalaki o nagpalaki ng mga batang babae.”
בושי צידון כי אמר ים מעוז הים לאמר לא חלתי ולא ילדתי ולא גדלתי בחורים רוממתי בתולות׃
5 Kapag dumating ang balita sa Ehipto, magdadalamhati sila tungkol sa Tiro.
כאשר שמע למצרים יחילו כשמע צר׃
6 Tumawid kayo sa Tarsis; manangis, kayong mga naninirahan sa baybayin.
עברו תרשישה הילילו ישבי אי׃
7 Nangyari ba ito sa inyo, ang masayahing lungsod, na nagmula sa sinaunang panahon, na dinala siya ng kaniyang mga paa sa napakalayong dayuhan lugar para manirahan?
הזאת לכם עליזה מימי קדם קדמתה יבלוה רגליה מרחוק לגור׃
8 Sino ang nagplano nito laban sa Tiro? ang tagapagbigay ng mga korona, na ang mga negosyante ay mga prinsipe, na ang mga mangangalakal ay silang may karangalan sa lupa?
מי יעץ זאת על צר המעטירה אשר סחריה שרים כנעניה נכבדי ארץ׃
9 Si Yahweh ng mga hukbo ang nagplano nito para ilagay sa kahihiyan ang kaniyang pagmamataas at lahat ng kaniyang kaluwalhatian, para ipahiya ang lahat ng kaniyang pinarangalan sa lupa.
יהוה צבאות יעצה לחלל גאון כל צבי להקל כל נכבדי ארץ׃
10 Araruhin ninyo ang inyong lupain, gaya ng nag-araro ng Nilo, anak na babae ng Tarsis. Wala nang pamilihan sa Tiro.
עברי ארצך כיאר בת תרשיש אין מזח עוד׃
11 Inabot ni Yahweh ang kaniyang kamay sa karagatan, at niyanig ang mga kaharian; nagbigay siya ng utos ukol sa Ponecia, para sirain ang matibay na kutang tanggulan.
ידו נטה על הים הרגיז ממלכות יהוה צוה אל כנען לשמד מעזניה׃
12 Sinabi niya, “Hindi ka na muling makapagdiriwang, pinahirapang birheng dalagang anak ng Sidon; bumangon ka, dumaan ka sa Sayprus; pero kahit doon ay wala kang kapahingahan.”
ויאמר לא תוסיפי עוד לעלוז המעשקה בתולת בת צידון כתיים קומי עברי גם שם לא ינוח לך׃
13 Tingnan mo ang lupain ng mga Caldea. Wala na ang mga tao nito; ginawa itong ilang ng mga taga-Asirya para sa mga mababangis na hayop. Inilagay nila ang kanilang mga toreng taguan. Sinira nila ang mga palasyo nito; Ginawa nila itong tambakan ng mga guho.
הן ארץ כשדים זה העם לא היה אשור יסדה לציים הקימו בחיניו עררו ארמנותיה שמה למפלה׃
14 Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil nasira na ang inyong kanlungan.
הילילו אניות תרשיש כי שדד מעזכן׃
15 Sa araw na iyon, makakalimutan ang Tiro nang pitumpung taon, tulad ng mga araw ng isang hari. Pagkatapos ng pitumpung taon may isang bagay na mangyayari sa Tiro tulad ng awit ng babaeng bayaran.
והיה ביום ההוא ונשכחת צר שבעים שנה כימי מלך אחד מקץ שבעים שנה יהיה לצר כשירת הזונה׃
16 Kumuha ka ng alpa, pumunta sa lungsod, ikaw na kinalimutang taong bayaran; tugtugin mo ito ng mabuti, at umawit ng maraming mga awit, para ikaw ay maalaala.
קחי כנור סבי עיר זונה נשכחה היטיבי נגן הרבי שיר למען תזכרי׃
17 Darating ito pagkatapos ng pitumpung taon, si Yahweh ang tutulong sa Tiro, at babalik siya sa kaniyang pagpapaupa. Ipagbibili niya ang kaniyang sarili sa lahat ng kaharian sa lahat ng sulok ng mundo.
והיה מקץ שבעים שנה יפקד יהוה את צר ושבה לאתננה וזנתה את כל ממלכות הארץ על פני האדמה׃
18 “Lahat ng kaniyang mga tinubo at mga kinita ay ilalaan kay Yahweh. Hindi maiimbak ang mga ito o maitatabi. Ang mga nananahan sa presensya ni Yahweh— ang kaniyang paninda ay magiging pagkain sa kanila at para magkaroon ng pangmatagalang kasuotan.
והיה סחרה ואתננה קדש ליהוה לא יאצר ולא יחסן כי לישבים לפני יהוה יהיה סחרה לאכל לשבעה ולמכסה עתיק׃

< Isaias 23 >