< До євреїв 10 >

1 Бо Зако́н, мавши тільки тінь майбутнього добра́, а не самий о́браз речей, тими самими жертвами, що за́вжди щороку прино́сяться, не може ніко́ли вдоскона́лити тих, хто приступає.
Sapagkat ang kautusan ay isang anino lamang ng mga mabubuting bagay na darating, hindi ng mga katotohanan. Hindi magagawang ganap ng kautusan ang mga lumalapit sa Diyos batay sa paraan ng parehong mga alay na inihahandog ng mga pari taun-taon.
2 Інакше вони перестали б прино́ситись, бо ті, хто служить, очищені раз, уже б не мали жодної свідо́мости гріхів.
O kung hindi, ititigil kayang maihandog ang mga alay na iyon? Sa ganiyang kalagayan, ang mga sumasamba ay nilinis ng minsan, na wala ng kamalayan sa kasalanan.
3 Але в них спо́мин про гріхи буває щороку,
Ngunit sa mga handog na iyon ay may pagpapa-alala sa mga nagawang kasalanan taun-taon.
4 бо тож неможливе, щоб кров биків та козлів здіймала гріхи!
Sapagkat hindi maaaring pawiin ng mga dugo ng toro at kambing ang mga kasalanan.
5 Тому́ то, вхо́дячи в світ, Він говорить: „Жертви й прино́шення Ти не схотів, але тіло Мені приготува́в.
Nang dumating si Cristo dito sa mundo, sinabi niya, “Hindi mo nais ang mga handog o ang mga hain. Sa halip, inihanda mo ang isang katawan para sa akin.
6 Цілопа́лення й жертви поку́тної Ти не жадав.
Wala kang kasiyahan sa mga haing sinusunog o mga handog para sa kasalanan.”
7 Тоді Я сказав: Ось іду́, — в звої книжки про Мене написано, щоб волю чини́ти Твою, Боже“!
At aking sinabi, “Masdan mo, narito ako upang gawin ang iyong kalooban, o Diyos, gaya ng nasusulat tungkol sa akin na nasa balumbon.”
8 Він вище сказав, що „жертви й при́носу, та цілопа́лення й жертви поку́тної, — які за Зако́ном прино́сяться, — Ти не жадав і Собі не вподо́бав“.
Sinabi niya gaya ng nasabi sa itaas, “Hindi mo nais ang mga handog at mga hain o ang mga handog na sinusunog para sa kasalanan, ni hindi ka nasisiyahan sa mga ito”— mga handog na inialay ayon sa kautusan.
9 Пото́му сказав: „Ось іду, щоб волю Твою чини́ти, Боже“. Відміняє Він перше, щоб друге поставити.
At sinabi niya, “masdan mo, ako ay narito upang gawin ang iyong kalooban.” Isinantabi niya ang unang kaugalian upang maitatag ang pangalawa.
10 У цій волі ми освячені жертвоприно́шенням тіла Ісуса Христа один раз.
Sa pangalawang kaugalian, tayo ay naihandog sa Diyos sa kaniyang kalooban at sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesu-Cristo ng minsan para sa lahat.
11 І кожен священик щоденно стоїть, слу́жачи, і часто приносить жертви ті самі, що ніко́ли не можуть зняти гріхів.
Sa katunayan tumatayong naglilingkod ang bawat pari araw-araw, iniaalay ang parehong mga handog, kung saan, gayon pa man, hindi makatatanggal ng mga kasalanan kailanman.
12 А Він за гріхи світу приніс жертву один раз, і наза́вжди „по Божій правиці засів“,
Ngunit pagkatapos na ialay ni Cristo ang isang handog para sa kasalanan magpakailanman, umupo siya sa kanang kamay ng Diyos,
13 далі чекаючи, „аж вороги Його бу́дуть покладені за підніжка Його ніг“.
naghihintay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay maibaba at gawing isang patungan para sa kaniyang paanan.
14 Бо жертвоприно́шенням одним вдоскона́лив Він тих, хто освячується.
Dahil sa pamamagitan ng isang handog ay kaniyang ginawang ganap magpakailanman ang mga taong inihandog sa Diyos.
15 Свідкує ж і Дух Святий нам, як говорить:
At nagpapatotoo rin sa atin ang Banal na Espiritu. Sapagkat unang sinabi niya,
16 „Оце заповіт, що його по цих днях встановля́ю Я з ними, говорить Господь, — Закони Свої Я дам в їхні серця́, і в їхніх думка́х напишу́ їх.
'' 'Ito ang tipan na aking gagawin sa kanila pagkatapos ng mga araw na iyon,' ang sabi ng Panginoon, 'Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”'
17 А їхніх гріхів та несправедливостей їхніх Я більш не згадаю“!
Pagkatapos sinabi niya, “Hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at paglabag sa kautusan.”
18 А де їхнє відпущення, там нема вже жертвоприно́шення за гріхи.
Ngayon kung saan may kapatawaran na para sa mga ito, wala ng pag-aalay pa para sa kasalanan.
19 Отож, браття, ми маємо відвагу вхо́дити до святині кров'ю Ісусовою,
Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.
20 ново́ю й живою дорогою, яку нам обнови́в Він через завісу, цебто через тіло Своє,
Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.
21 маємо й Великого Священика над домом Божим, —
At dahil mayroon tayong dakilang pari sa bahay ng Diyos,
22 то приступі́мо з щирим серцем, у повноті́ віри, окропи́вши серця́ від сумління лукавого та обмивши тіла́ чистою водою!
Lumapit tayo na may totoong puso na may lubos na katiyakan ng pananampalataya, na may mga pusong nawisikan at nilinis mula sa masamang budhi at ang ating katawan na nahugasan ng dalisay na tubig.
23 Трима́ймо непохи́тне визна́ння надії, вірний бо Той, Хто обіцяв.
Panghawakan ding mabuti ang paghahayag ng ating pananalig ng walang pag-aalinlangan, sapagkat ang Diyos na siyang nangako ay tapat.
24 І уважаймо один за одни́м для заохо́ти до любови й до добрих учинків.
Kaya isaalang-alang natin kung paano pasisiglahin ang isa't- isa sa pag-ibig at sa mga mabubuting gawa.
25 Не кидаймо збору свого, як то зви́чай у деяких, але заохочуймося, і тим більше, скільки більше ви бачите, що зближається день той.
Huwag tayong tumigil sa pagtitipon-tipon ng magkakasama, katulad ng ginawa ng ilan. Sa halip, palakasin pa natin ng higit ang isa't isa, ngayong nakikita ninyo na nalalapit na ang araw.
26 Бо як ми грішимо́ самові́льно, одержавши пізна́ння правди, то вже за гріхи не знахо́диться жертви,
Sapagkat kung ating sasadyain ang paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang kaalaman sa katotohanan, ang handog para sa kasalanan ay hindi na umiiral.
27 а страшливе якесь сподіва́ння су́ду та гнів палю́чий, що має пожерти противників.
Sa halip, mayroon lamang tiyak na inaasahang nakakatakot na hatol at nagngangalit na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos.
28 Хто відкидає Зако́на Мойсея, такий немилосердно вмирає „при двох чи трьох свідках“, —
Sinuman na lumabag sa kautusan ni Moises ay mamamatay ng walang awa sa patunay ng dalawa o tatlong saksi.
29 скільки ж більшої му́ки, — доду́муєтеся? — заслуговує той, хто потоптав Сина Божого, і хто кров заповіту, що нею освячений, за звичайну вважав, і хто Духа благодаті зневажив!
Gaano pa kaya kabigat na parusa sa akala ninyo ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos, sinumang magturing sa dugo ng tipan na hindi banal, ang dugo na kaniyang inihandog sa Diyos—sinuman na humamak sa Biyaya ng Espiritu
30 Бо знаємо Того, Хто сказав: „Мені помста належить, Я відплачу́, говорить Господь“. І ще: „Господь буде судити наро́да Свого“!
Sapagkat kilala natin ang nagsabi nito, “Akin ang paghihiganti at ako ang maniningil.” At muli, “Hahatulan ng Panginoon ang kaniyang mga tao.”
31 Страшна́ річ — упасти в руки Бога Живого!
Nakakatakot nga ang mahulog sa mga kamay ng buhay na Diyos!
32 Згадайте ж про перші дні ваші, як ви просвітилися й витерпіли запеклу боротьбу стражда́нь.
Ngunit alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, pagkatapos na kayo ay maliwanagan kung papaanong kayo ay nagtiis ng matinding pagdurusa.
33 Ви були́ то видо́вищем зневаги й знуща́ння, то були́ учасниками тих, що жили́ так.
Nailantad kayo sa madla ng may pangungutya sa pamamagitan ng mga panlalait, pag-uusig at kayo ay kabilang sa mga nakaranas ng ganitong pagdurusa.
34 Ви бо страждали й з ув'язненими, і грабу́нок свого майна́ прийняли́ з потіхою, відаючи, що маєте в небі для себе майно немину́ще та краще.
Sapagkat mayroon kayong habag sa mga bilanggo, at inyong tinanggap nang may kagalakan ang pagsamsam ng inyong mga ari-arian, na alam ninyo sa inyong mga sarili na mayroon kayong mas mabuti at walang hanggang pag-aari.
35 Тож не відкидайте відваги своєї, бо має велику нагоро́ду вона.
Kaya nga huwag ninyong isasawalang-bahala ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala.
36 Бо вам терпеливість потрібна, щоб Божу волю вчинити й прийняти обітницю.
Sapagkat kailangan ninyo ng pagtitiyaga upang inyong matanggap ang ipinangako ng Diyos pagkatapos ninyong magawa ang kaniyang kalooban.
37 Бо ще „мало, дуже мало, і Той, хто має прийти, при́йде й бари́тись не бу́де!“
“Sapagkat sa kaunting panahon, ang siyang paparating ay tiyak na darating at hindi ito maaantala.
38 А „праведний житиме вірою“. І: „Коли захитається він, то душа Моя його не вподо́бає“.
Mabubuhay ang matuwid kong lingkod sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung tatalikod siya, hindi ako masisiyahan sa kaniya.”
39 Ми ж не з тих, хто хитається на заги́біль, але віруємо на спасі́ння душі.
Ngunit hindi tayo katulad ng ilang tumalikod at napahamak. Sa halip, tayo ay ilan sa mga may pananampalataya upang mapanatili ang ating mga kaluluwa.

< До євреїв 10 >