< Çölde Sayim 11 >

1 Halk çektiği sıkıntılardan ötürü yakınmaya başladı. RAB bunu duyunca öfkelendi, aralarına ateşini göndererek ordugahın kenarlarını yakıp yok etti.
Ngayon nagreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang mga kabalisahan habang nakikinig si Yahweh. Narinig ni Yahweh ang mga tao at nagalit. Nagliyab sa kanila ang apoy na mula kay Yahweh at tinupok ang ilang bahagi ng kampo sa mga gilid nito.
2 Halk Musa'ya yalvardı. Musa RAB'be yakarınca ateş söndü.
Pagkatapos tumawag ang mga tao kay Moises, kaya nanalangin si Moises kay Yahweh, at huminto ang apoy.
3 Bu nedenle oraya Tavera adı verildi. Çünkü RAB'bin gönderdiği ateş onların arasında yanmıştı.
Pinangalanan ang lugar na iyon na Tabera, sapagkat nagliyab ang apoy ni Yahweh sa kanila.
4 Derken, halkın arasındaki yabancılar başka yiyeceklere özlem duymaya başladılar. İsrailliler de yine ağlayarak, “Keşke yiyecek biraz et olsaydı!” dediler,
Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin?
5 “Mısır'da parasız yediğimiz balıkları, salatalıkları, karpuzları, pırasaları, soğanları, sarmısakları anımsıyoruz.
Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang.
6 Şimdiyse yemek yeme isteğimizi yitirdik. Bu mandan başka hiçbir şey gördüğümüz yok.”
Ngayon nanghihina kami. Wala kaming makitang makakain kundi manna.”
7 Man kişniş tohumuna benzerdi, görünüşü de reçine gibiydi.
Ang manna ay kahalintulad ng buto ng kulantro. Ito ay parang dagta.
8 Halk çıkıp onu toplar, değirmende öğütür ya da havanda döverdi. Çömlekte haşlayıp pide yaparlardı. Tadı zeytinyağında pişirilmiş yiyeceklere benzerdi.
Ang mga tao ay naglalakad sa paligid at tinitipon ito. Ginigiling nila ito sa mga gilingan, binabayo ito sa mga bayuhan, pinakukuluan ito sa mga palayok, at ginagawang keyk. Ang lasa nito ay parang sariwang langis ng olibo.
9 Gece ordugaha çiy düşerken, man da birlikte düşerdi.
Kapag bumaba ang hamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.
10 Musa herkesin, her ailenin çadırının önünde ağladığını duydu. RAB buna çok öfkelendi. Musa da üzüldü.
Narinig ni Moises ang iyakan ng mga tao sa kanilang mga pamilya, at ang bawat lalaki ay naroon sa pasukan sa kaniyang tolda. Labis na nagalit si Yahweh, at sa mga mata ni Moises ang pagrereklamo nila ay mali.
11 RAB'be, “Kuluna neden kötü davrandın?” dedi, “Seni hoşnut etmeyen ne yaptım ki, bu halkın yükünü bana yüklüyorsun?
Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Bakit mo pinakitunguhan ang iyong lingkod ng masama? Bakit hindi ka nasisiyahan sa akin? Ipinapasan mo sa akin ang pasanin ng lahat ng taong ito. Ipinagbuntis ko ba ang lahat ng mga taong ito?
12 Bütün bu halka ben mi gebe kaldım? Onları ben mi doğurdum? Öyleyse neden emzikteki çocuğu taşıyan bir dadı gibi, atalarına ant içerek söz verdiğin ülkeye onları kucağımda taşımamı istiyorsun?
Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila?
13 Bütün bu halka verecek eti nereden bulayım? Bana, ‘Bize yiyecek et ver’ diye sızlanıp duruyorlar.
Saan ako makakahanap ng karne na ibibigay ko sa lahat ng taong ito? Umiiyak sila sa aking harapan at sinasabin, 'Bigyan mo kami ng karneng kakainin.'
14 Bu halkı tek başıma taşıyamam, bunca yükü kaldıramam.
Hindi ko na madalang mag-isa ang mga taong ito. Sobra na sila para sa akin.
15 Bana böyle davranacaksan –eğer gözünde lütuf bulduysam– lütfen beni hemen öldür de kendi yıkımımı görmeyeyim.”
Yamang pinakikitunguhan mo ako sa ganitong paraan, patayin mo na ako ngayon, kung mabait ka sa akin, at alisin ang aking paghihirap.”
16 RAB Musa'ya, “Halk arasında önder ve yönetici bildiğin İsrail ileri gelenlerinden yetmiş kişi topla” dedi, “Onları Buluşma Çadırı'na getir, yanında dursunlar.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dalhin mo sa akin ang pitumpung nakakatanda ng Israel. Tiyaking sila ang mga nakakatanda at mga opisyal ng mga tao. Dalhin mo sila sa tolda ng pagpupulong upang tumayo roong kasama mo.
17 Ben inip seninle orada konuşacağım. Senin üzerindeki Ruh'tan alıp onlara vereceğim. Halkın yükünü tek başına taşımaman için sana yardım edecekler.
Bababa ako at kakausapin ko kayo roon. Kukunin ko ang ilan sa Espiritu na nasa iyo at ilalagay ko ito sa kanila. Dadalhin nila ang pagpapahirap ng mga tao kasama mo. Hindi mo na dadalhin itong mag-isa.
18 “Halka de ki, ‘Yarın için kendinizi kutsayın, et yiyeceksiniz. Keşke yiyecek biraz et olsaydı, Mısır'da durumumuz iyiydi diye ağladığınızı RAB duydu. Şimdi yemeniz için size et verecek.
Sabihin mo sa mga tao, 'Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas. Tunay na kakakain kayo ng karne, sapagkat umiyak kayo sa pandinig ni Yahweh. Sinabi ninyo, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne upang ating kainin? Naging mabuti ito para sa atin sa Ehipto.” Kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng karne, at kakainin ninyo ito.
19 Yalnız bir gün, iki gün, beş, on ya da yirmi gün değil,
Hindi lamang kayo kakain ng karne sa loob ng isang araw, sa dalawang araw, sa limang araw, sa sampung araw, o sa dalawampung araw,
20 bir ay boyunca, burnunuzdan gelinceye dek, tiksinene dek yiyeceksiniz. Çünkü aranızda olan RAB'bi reddettiniz. O'nun önünde, Mısır'dan neden çıktık diyerek ağladınız.’”
ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, “Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''
21 Musa, “Aralarında bulunduğum halkın 600 000'i yetişkin erkektir” diye karşılık verdi, “Oysa sen, ‘Bu halka bir ay boyunca yemesi için et vereceğim’ diyorsun.
Pagkatapos sinabi ni Moises, “Kasama ko ang 600, 000 na katao, at sinabi mo, 'Bibigyan ko sila ng karne sa loob ng isang buong buwan.'
22 Bütün davarlar, sığırlar kesilse, onları doyurur mu? Denizdeki bütün balıklar tutulsa, onları doyurur mu?”
Papatay ba kami ng kawan ng mga tupa at kawan ng mga baka upang magkasya sa kanila? Huhulihin ba namin ang lahat ng isda sa karagatan upang magkasya sa kanila?''
23 RAB, “Elim kısaldı mı?” diye yanıtladı, “Sana söylediklerimin yerine gelip gelmeyeceğini şimdi göreceksin.”
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Maiksi ba ang kamay ko? Ngayon makikita mo kung totoo ang aking salita.''
24 Böylece Musa dışarı çıkıp RAB'bin kendisine söylediklerini halka bildirdi. Halkın ileri gelenlerinden yetmiş adam toplayıp çadırın çevresine yerleştirdi.
Lumabas si Moises sa tolda at sinabi niya sa mga tao ang mga salita ni Yahweh. Tinipon niya ang pitumpu sa mga nakakatanda ng mga tao at pumalibot sila sa tolda.
25 Sonra RAB bulutun içinde inip Musa'yla konuştu. Musa'nın üzerindeki Ruh'tan alıp yetmiş ileri gelene verdi. Ruh'u alınca peygamberlik ettilerse de, daha sonra hiç peygamberlik etmediler.
Bumaba si Yahweh sa ulap at nagsalita kay Moises. Kinuha ni Yahweh ang ilan sa Espiritu na naroon kay Moises at nilagay ito sa pitumpung nakakatanda. Nang tumahan ang Espiritu sa kanila, nagpahayag sila, ngunit sa pagkakataong iyon lamang at hindi na naulit pa.
26 Eldat ve Medat adında iki kişi ordugahta kalmıştı. Seçilen yetmiş kişi arasındaydılar ama çadıra gitmemişlerdi. Ruh üzerlerine konunca ordugahta peygamberlik ettiler.
Dalawang lalaking nagngangalang Eldab at Medad ang naiwan sa kampo. Tumahan din sa kanila ang Espiritu. Nakasulat ang kanilang pangalan sa listahan, ngunit hindi sila lumabas sa tolda. Gayon pa man, nagpahayag sila sa kampo.
27 Bir genç koşup Musa'ya, “Eldat'la Medat ordugahta peygamberlik ediyor” diye haber verdi.
Isang binatang nasa kampo ang tumakbo at sinabi kay Moises, “Sina Eldad at Medad ay nagpapahayag sa kampo.”
28 Gençliğinden beri Musa'nın yardımcısı olan Nun oğlu Yeşu, “Ey efendim Musa, onlara engel ol!” dedi.
Si Josue na lalaking anak ni Nun, ang tagapangasiwa ni Moises, ang isa sa mga lalaking pinili ang nagsabi kay Moises, “Aking among Moises, pigilan mo sila.”
29 Ama Musa, “Sen benim adıma mı kıskanıyorsun?” diye yanıtladı, “Keşke RAB'bin bütün halkı peygamber olsa da RAB üzerlerine Ruhu'nu gönderse!”
Sinabi ni Moises sa kaniya, “Naninibugho ka ba para sa kapakanan ko? Nais kong lahat ng tao ni Yahweh ay mga propeta at ilagay niya ang kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!''
30 Sonra Musa'yla İsrail'in ileri gelenleri ordugaha döndüler.
At bumalik sa kampo si Moises at ang mga nakakatanda ng Israel.
31 RAB denizden bıldırcın getiren bir rüzgar gönderdi. Rüzgar bıldırcınları ordugahın her yönünden bir günlük yol kadar uzaklığa, yerden iki arşın yüksekliğe indirdi.
Pagkatapos, isang hangin ang dumating mula kay Yahweh at nagdala ng pugo mula sa dagat. Bumagsak ang mga ito malapit sa kampo, na may isang araw na paglalakbay sa isang dako at isang araw na paglalakbay sa kabilang dako. Pumalibot ang mga pugo sa kampo na may dalawang siko ang taas mula sa lupa.
32 Halk bütün gün, bütün gece ve ertesi gün durmadan bıldırcın topladı. Kimse on homerden az toplamadı. Bıldırcınları ordugahın çevresine serdiler.
Ang mga tao ay abala sa paghuhuli sa mga pugo ng buong araw, buong gabi, at sa sumunod na araw. Walang nanghuli ng mas kaunti sa sampung homer ng pugo. Ibinahagi nila ang mga pugo sa buong kampo.
33 Et daha halkın dişleri arasındayken, çiğnemeye vakit kalmadan RAB öfkelendi, onları büyük bir yıkımla cezalandırdı.
Habang nasa pagitan pa ng kanilang ngipin ang karne, habang nginunguya nila ito, nagalit si Yahweh sa kanila. Pinadalhan niya ang mga tao ng isang napakatinding sakit.
34 Bu nedenle oraya Kivrot-Hattaava adı verildi. Başka yiyeceklere özlem duyanları oraya gömdüler.
Pinangalanan ang lugar na iyon na Kibrot-hataava dahil doon nila inilibing ang mga taong nanabik sa karne.
35 Halk Kivrot-Hattaava'dan Haserot'a göç edip orada kaldı.
Mula sa Kibrot-hataava, naglakbay ang mga tao patungong Hazerot, kung saan sila nanatili.

< Çölde Sayim 11 >