< Mga Awit 130 >

1 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. 2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. 3 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? 4 Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. 5 Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. 6 Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. 7 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. 8 At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.

< Mga Awit 130 >