< Mga Awit 120 >

1 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. 2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. 3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? 4 Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. 5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! 6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. 7 Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

< Mga Awit 120 >