< Pahayag 7 >

1 Pagkatapos nito nakita ako ng apat na angel nakatayo sa apat na sulok ng lupa, mahigpit na hinahawakan ang apat na hangin sa lupa kaya dapat walang umihip na hangin sa lupa, sa dagat at laban sa anumang puno.
Bundan sonra yeryüzünün dört köşesinde duran dört melek gördüm. Bunlar karaya, denize ya da herhangi bir ağaç üzerine esmesin diye, yeryüzünün dört rüzgarını tutuyorlardı.
2 Nakita ko ang isa pang anghel na dumarating mula sa silangan, na taglay ang selyo ng buhay na Diyos. Sumigaw siya nang may malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng pahintulot na pinsalain ang lupa at dagat. “
Sonra gündoğusundan yükselen başka bir melek gördüm. Yaşayan Tanrı'nın mührünü taşıyordu. Karaya, denize zarar vermek için yetki verilen dört meleğe yüksek sesle bağırdı:
3 Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos.”
“Biz Tanrımız'ın kullarını alınlarından mühürleyene dek karaya, denize ya da ağaçlara zarar vermeyin!”
4 Narinig ko ang bilang ng siyang mga natatakan: 144, 000, siyang mga natatakan mula sa bawat lipi ng bayan ng Israel:
Mühürlenmiş olanların sayısını işittim. İsrailoğulları'nın bütün oymaklarından 144 000 kişi mühürlenmişti:
5 12, 000 mula sa lipi ni Juda ay natatakan, 12, 000 mula sa lipi ni Ruben, 12, 000 mula sa lipi ni Gad,
Yahuda oymağından 12 000 kişi mühürlenmişti. Ruben oymağından 12 000, Gad oymağından 12 000,
6 12, 000 mula sa lipi ni Asher, 12, 000 mula sa lipi ni Neftali, 12, 000 mula sa lipi ni Manases.
Aşer oymağından 12 000, Naftali oymağından 12 000, Manaşşe oymağından 12 000,
7 12, 000 mula sa lipi ni Simeon, 12000 mula sa lipi ni Levi, 12, 000 mula sa tlipi ni Isacar.
Şimon oymağından 12 000, Levi oymağından 12 000, İssakar oymağından 12 000,
8 12, 000 mula sa lipi ni Zebulun, 12, 000 mula sa lipi ni Jose at 12, 000 mula sa lipi ni Benjamin ay natatakan.
Zevulun oymağından 12 000, Yusuf oymağından 12 000, Benyamin oymağından 12 000 kişi mühürlenmişti.
9 Pagkatapos makita ko ang mga ito, at mayroong isang malaking maraming tao na walang sinuman ang makabilang — mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika — nakatayo sa harap ng trono sa harapan ng Kordero. Nakasuot sila ng puting mga balabal at hawak ang mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay,
Bundan sonra gördüm ki, her ulustan, her oymaktan, her halktan, her dilden oluşan, kimsenin sayamayacağı kadar büyük bir kalabalık tahtın ve Kuzu'nun önünde duruyordu. Hepsi de birer beyaz kaftan giymişti, ellerinde hurma dalları vardı.
10 at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: “Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!”
Yüksek sesle bağırıyorlardı: “Kurtarış, tahtta oturan Tanrımız'a Ve Kuzu'ya özgüdür!”
11 Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, at sa paligid ng mga matatanda at ng apat na buhay na mga nilalang, at sila ay humiga sa lupa, at inilapat ang kanilang mga mukha sa lupa sa harap ng trono at sumamba sila sa Diyos,
Bütün melekler tahtın, ihtiyarların ve dört yaratığın çevresinde duruyordu. Tahtın önünde yüzüstü yere kapanıp Tanrı'ya tapınarak şöyle diyorlardı:
12 na nagsasabing, “Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!” (aiōn g165)
“Amin! Övgü, yücelik, bilgelik, Şükran, saygı, güç, kudret, Sonsuzlara dek Tanrımız'ın olsun! Amin!” (aiōn g165)
13 Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: “Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?”
Bu sırada ihtiyarlardan biri bana sordu: “Beyaz kaftan giymiş olan bu kişiler kim, nereden geldiler?”
14 Sinabi ko sa kaniya, “Alam po ninyo, ginoo,” at sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero.”
“Sen bunu biliyorsun, efendim” dedim. Bana dedi ki, “Bunlar o büyük sıkıntıdan geçip gelenlerdir. Kaftanlarını Kuzu'nun kanıyla yıkamış, bembeyaz etmişlerdir.
15 Dahil sa ganitong dahilan, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sumasamba sila araw at gabi sa kaniyang templo. Siya na siyang nakaupo sa trono, ay maglalatag ng tolda sa ibabaw nila.
Bunun için, “Tanrı'nın tahtı önünde duruyor, Tapınağında gece gündüz O'na tapınıyorlar. Tahtta oturan, çadırını onların üzerine gerecek.
16 Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init.
Artık acıkmayacak, Artık susamayacaklar. Ne güneş ne kavurucu sıcak Çarpacak onları.
17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata.”
Çünkü tahtın ortasında olan Kuzu onları güdecek Ve yaşam sularının pınarlarına götürecek. Tanrı gözlerinden bütün yaşları silecek.”

< Pahayag 7 >