< Mga Awit 99 >

1 Naghahari si Yahweh; hayaang manginig ang mga bansa. Siya ay nakaluklok sa itaas ng mga kerubin; ang daigdig ay yumayanig. 2 Si Yahweh ay dakila sa Sion; itinataas siya sa lahat ng mga bansa. 3 Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan; siya ay banal. 4 Ang hari ay malakas, at minamahal niya ang katarungan. Itinatag mo ang pagkakapantay-pantay; nilikha mo ang makatarungang pamamahala kay Jacob. 5 Purihin si Yahweh ang ating Diyos at sambahin siya sa kanyang tuntungan. Siya ay banal. 6 Sina Moises at Aaron ay kabilang sa kanyang mga pari, at si Samuel ay kabilang sa mga nanalangin sa kanya. Nanalangin (sila) kay Yahweh, at sinagot niya (sila) 7 Kinausap niya (sila) mula sa haliging ulap. Iningatan nila ang kanyang tapat na mga kautusan at mga batas na ibinigay sa kanila. 8 Sinagot mo (sila) Yahweh na aming Diyos. Ikaw ang Diyos na nagpatawad sa kanila, kahit na pinarusahan mo ang kanilang mga kasalanan. 9 Purihin si Yahweh ang ating Diyos, at sambahin siya sa kanyang banal na burol, dahil si Yahweh ang ating Diyos na banal.

< Mga Awit 99 >