< Mga Awit 92 >

1 Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan, 2 para ipahayag ang iyong katapatan sa tipan sa umaga at ang iyong katotohanan tuwing gabi, 3 na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira. 4 Dahil ikaw, Yahweh, ay pinasaya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Aawit ako sa tuwa dahil sa gawa ng iyong mga kamay. 5 Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim. 6 Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal: 7 Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman. 8 Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman. 9 Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat. 10 Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis. 11 Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway. 12 Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon. 13 (Sila) ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; (sila) ay yayabong sa patyo ng ating Diyos. 14 Namumunga (sila) kahit (sila) ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian, 15 para ihayag na si Yahweh ay makatuwiran. Siya ang aking bato, at walang hindi matuwid sa kaniya.

< Mga Awit 92 >