< Mga Awit 85 >

1 Yahweh, nagpakita ka ng pabor sa iyong lupain; ibinalik mo ang kagalingan ni Jacob.
For the Chief Musician. A Psalm of the sons of Korah. Jehovah, thou hast been favorable unto thy land; Thou hast brought back the captivity of Jacob.
2 Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. (Selah)
Thou hast forgiven the iniquity of thy people; Thou hast covered all their sin. (Selah)
3 Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
Thou hast taken away all thy wrath; Thou hast turned [thyself] from the fierceness of thine anger.
4 Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.
Turn us, O God of our salvation, And cause thine indignation toward us to cease.
5 Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit hanggang sa mga salinlahi sa hinaharap?
Wilt thou be angry with us for ever? Wilt thou draw out thine anger to all generations?
6 Hindi mo ba kami bubuhaying muli? Pagkatapos ang iyong bayan ay magagalak sa iyo.
Wilt thou not quicken us again, That thy people may rejoice in thee?
7 Ipakita mo sa amin ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
Show us thy lovingkindness, O Jehovah, And grant us thy salvation.
8 Makikinig ako sa sasabihin ni Yahweh na Diyos, dahil siya ay makikipag-ayos sa kaniyang bayan, ang kaniyang matapat na tagasunod. Pero hindi (sila) dapat bumalik sa hangal na pamamaraan.
I will hear what God Jehovah will speak; For he will speak peace unto his people, and to his saints: But let them not turn again to folly.
9 Tiyak na ang kaniyang kaligtasan ay malapit sa mga may takot sa kaniya, kaya ang kaluwalhatian ay mananatili sa ating lupain.
Surely his salvation is nigh them that fear him, That glory may dwell in our land.
10 Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo, ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa.
Mercy and truth are met together; Righteousness and peace have kissed each other.
11 Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay uusbong mula sa lupa, at ang tagumpay ay dudungaw mula sa langit.
Truth springeth out of the earth; And righteousness hath looked down from heaven.
12 Oo, si Yahweh ay magbibigay ng kaniyang mabubuting pagpapala, at mamumunga ang mga pananim sa ating lupain.
Yea, Jehovah will give that which is good; And our land shall yield its increase.
13 Pangungunahan siya ng katuwiran at gagawa ng daan para sa kaniyang mga yapak.
Righteousness shall go before him, And shall make his footsteps a way [to walk in].

< Mga Awit 85 >