< Mga Awit 83 >

1 O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos. 2 Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas. 3 (Sila) ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan. 4 Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin (sila) bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.” 5 Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa (sila) ng alyansa laban sa iyo. 6 Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina 7 Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro. 8 Ang Asiria ay kaanib din nila; (sila) ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. (Selah) 9 Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison. 10 Namatay (sila) sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa. 11 Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna. 12 Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.” 13 Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin, 14 tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan. 15 Habulin mo (sila) ng iyong malakas na hangin, at sindakin (sila) ng iyong bagyo. 16 Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh. 17 Nawa mailagay (sila) sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay (sila) sa kahihiyan. 18 At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.

< Mga Awit 83 >