< Mga Awit 82 >

1 Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol. 2 Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? (Selah) 3 Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha. 4 Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo (sila) sa kamay ng masasama. 5 Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy (sila) sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho. 6 Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan. 7 Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.” 8 Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.

< Mga Awit 82 >