< Mga Awit 8 >

1 Yahweh aming Panginoon, kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo, hinahayag mo ang iyong kaluwalhatian sa kalangitan. 2 Mula sa mga bibig ng mga bata at sanggol ay lumikha ka ng papuri dahil sa mga kaaway mo, para patahimikin ang kaaway at ang tagapaghiganti. 3 Kapag tumitingin ako sa iyong mga kalangitan, na ginawa ng iyong mga daliri, ang buwan at mga tala, na nilagay mo sa lugar, 4 ano ang halaga ng sangkatauhan na pinapansin mo (sila) o ang mga tao na pinapakinggan (sila) 5 Gayumpaman ginawa mo (sila) ng mababa ng kaunti kaysa sa mga nilalang sa kalangitan at kinoronahan (sila) ng may kaluwalhatian at karangalan. 6 Ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng ginawa ng iyong mga kamay; niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: 7 lahat ng mga tupa at mga baka, at kahit ang mga hayop ng bukid, 8 ang mga ibon ng langit, at ang mga isda ng dagat, lahat ng dumadaan sa mga agos ng dagat. 9 Yahweh aming Panginoon, kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo!

< Mga Awit 8 >