< Mga Awit 71 >

1 Sa iyo, Yahweh, ako ay kumukubli; huwag mo ako kailanman ilagay sa kahihiyan. 2 Sagipin mo ako at iligtas sa iyong katuwiran; ibaling mo ang iyong tainga sa akin at iligtas ako. 3 Maging batong kublihan ka para sa akin kung saan man ako pumunta; nagbigay ka ng utos para iligtas ako, dahil ikaw ang aking bato at tanggulan. 4 Sagipin mo ako, aking Diyos, mula sa kamay ng masasama, mula sa kamay ng makasalanan at malupit. 5 Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa. 6 Habang ako ay nasa sinapupunan, inalalayan mo ako; ikaw ang siyang kumuha sa akin palabas sa tiyan ng aking ina; ang aking papuri ay tungkol palagi sa iyo. 7 Isa akong halimbawa sa maraming tao; ikaw ang aking matibay na kublihan. 8 Ang aking bibig ay mapupuno ng iyong papuri, na may karangalan mo sa buong araw. 9 Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina. 10 Dahil ang aking mga kaaway ay pinag-uusapan ako, silang mga nagmamasid sa aking buhay ay sama-samang nagbabalak. 11 Sinasabi nila, “Pinabayaan siya ng Diyos” habulin at kunin siya, dahil wala ni isa ang magliligtas sa kaniya.” 12 O Diyos, huwag kang lumayo sa akin; aking Diyos, magmadali ka sa pagtulong sa akin. 13 Hayaan mo silang mapunta sa kahihiyan at masira, silang mga laban sa aking buhay; hayaan mo silang mapuno ng pagsaway at kasiraan, silang naghahangad na ako ay saktan. 14 Pero lagi akong aasa sa iyo at pupurihin kita nang higit pa. 15 Buong araw sasabihin ng aking bibig ang tungkol sa iyong katuwiran at iyong kaligtasan, bagamat hindi ko ito kayang unawain. 16 Pupunta ako sa kanila kasama ang mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Yahweh; Aking babanggitin ang iyong katuwiran, ang iyo lamang. 17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata; kahit ngayon ihinahayag ko ang iyong mga kahanga-hangang gawa. 18 Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating. 19 Maging ang iyong katuwiran, O Diyos, ay napakataas; ikaw na gumawa ng mga dakilang bagay, O Diyos, sino ang katulad mo? 20 Ikaw na nagpakita sa amin ng mga matitinding suliranin ay bubuhay sa amin at mag-aangat sa amin mula sa kailaliman ng mundo. 21 Dagdagan mo nawa ang aking karangalan; bumalik kang muli at aliwin ako. 22 Magpapasalamat din ako sa iyo gamit ang alpa para sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan, aking Diyos; aawit ako sa iyo ng mga papuri gamit ang alpa, nag-iisang Banal na Diyos ng Israel. 23 Sisigaw sa galak ang aking mga labi habang inaawit ko ang mga papuri sa iyo, maging ako na iyong tinubos. 24 Sasabihin rin ng aking dila ang tungkol sa iyong katuwiran buong araw; dahil inilagay (sila) sa kahihiyan at nilito, (sila) na hinahangad ang aking kapahamakan.

< Mga Awit 71 >