< Mga Awit 70 >

1 Iligtas mo ako, O Diyos! Yahweh, pumunta ka agad at tulungan ako. 2 Hayaan mong mapahiya ang mga nagtatangka sa aking buhay at mapahamak; hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang nakuhang magsaya sa aking kalungkutan. 3 Hayaan mo silang tumalikod dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi ng, “Aha, aha.” 4 Hayaan mong ang mga iyon na naghahanap sa inyo ay matuwa at magalak sa inyo; hayaan mong ang mga umiibig sa iyong kaligtasan na sabihin lagi, “Purihin nawa ang Diyos.” 5 Pero ako ay mahirap at nangangailangan; magmadali ka sa akin, O Diyos; ikaw ang tutulong at sasagip sa akin. Yahweh, huwag kang maantala.

< Mga Awit 70 >