< Mga Awit 61 >

1 O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin.
Hear my cry, O God; attend unto my prayer.
2 Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin.
From the end of the earth will I cry unto you, when my heart is overwhelmed: lead me to the rock that is higher than I.
3 Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
For you have been a shelter for me, and a strong tower from the enemy.
4 Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. (Selah)
I will abide in your tabernacle for ever: I will trust in the covert of your wings. (Selah)
5 Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan.
For you, O God, have heard my vows: you have given me the heritage of those that fear your name.
6 Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
You will prolong the king's life: and his years as many generations.
7 Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman;
He shall abide before God for ever: O prepare mercy and truth, which may preserve him.
8 Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.
So will I sing praise unto your name for ever, that I may daily perform my vows.

< Mga Awit 61 >