< Mga Awit 61 >

1 O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin. 2 Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin. 3 Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway. 4 Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. (Selah) 5 Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan. 6 Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi. 7 Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman; 8 Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.

< Mga Awit 61 >