< Mga Awit 56 >

1 Maawa ka sa akin, o Diyos, dahil may naghahangad na lamunin ako; buong araw ay nilalabanan niya ako at inaapi. 2 Hinahangad ng aking mga kaaway na lamunin ako buong araw; dahil marami ang mayabang na kumakalaban sa akin. 3 Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo. 4 Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang? 5 Buong araw, binabaluktot nila ang aking mga salita; lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan. 6 Nagtitipon-tipon (sila) tinatago nila ang kanilang mga sarili, at tinatandaan ang aking mga hakbang, katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay. 7 Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan. Pabagsakin mo ang mga tao sa iyong galit, O Diyos. 8 Binibilang mo ang aking mga paglalakbay at inilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote; wala ba ang mga ito sa iyong aklat? 9 Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin. 10 Sa Diyos, na ang salita ay pinupuri ko - kay Yahweh, na ang salita ay pinupuri ko - 11 sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang? 12 Ang tungkulin na tuparin ang lahat ng panata ko sa iyo ay nasa akin, O Diyos; magbibigay ako ng mga handog ng pasasalamat sa iyo. 13 Dahil sinagip mo ang aking buhay mula sa kamatayan; pinigilan mo ang aking mga paa na mahulog, para ako ay makalakad sa harapan ng Diyos sa liwanag ng mga nabubuhay.

< Mga Awit 56 >