< Mga Awit 54 >

1 Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan, at sa iyong kalakasan, hatulan mo ako. 2 Pakinggan mo ang aking panalangin, O Diyos; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. 3 Dahil ang mga dayuhan ay naghimagsik laban sa akin, at ang mga walang awang mga lalaki ay pinagtangkaan ang aking buhay; hindi nila itinakda ang Diyos sa kanilang harapan. (Selah) 4 Masdan mo, ang Diyos ang tumutulong sa akin; ang Panginoon ang siyang nagtataas sa akin. 5 Ibabalik niya sa aking mga kaaway ang kasamaan; sa iyong katapatan, wasakin mo (sila) 6 Mag-aalay ako ng kusang-loob na handog; ako ay magbibigay pasasalamat sa iyong pangalan, Yahweh, dahil ito ay mabuti. 7 Dahil siya ang sumagip sa akin mula sa bawat kaguluhan; ang aking mata ay nakatingin ng matagumpay laban sa aking mga kaaway.

< Mga Awit 54 >