< Mga Awit 54 >

1 Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan, at sa iyong kalakasan, hatulan mo ako.
Save me, O God, by thy name, and judge me by thy strength.
2 Pakinggan mo ang aking panalangin, O Diyos; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
Hear my prayer, O God; give ear to the words of my mouth.
3 Dahil ang mga dayuhan ay naghimagsik laban sa akin, at ang mga walang awang mga lalaki ay pinagtangkaan ang aking buhay; hindi nila itinakda ang Diyos sa kanilang harapan. (Selah)
For strangers are risen up against me, and oppressors seek after my soul: they have not set God before them. (Selah)
4 Masdan mo, ang Diyos ang tumutulong sa akin; ang Panginoon ang siyang nagtataas sa akin.
Behold, God is mine helper: the Lord is with them that uphold my soul.
5 Ibabalik niya sa aking mga kaaway ang kasamaan; sa iyong katapatan, wasakin mo (sila)
He shall reward evil unto mine enemies: cut them off in thy truth.
6 Mag-aalay ako ng kusang-loob na handog; ako ay magbibigay pasasalamat sa iyong pangalan, Yahweh, dahil ito ay mabuti.
I will freely sacrifice unto thee: I will praise thy name, O Yhwh; for it is good.
7 Dahil siya ang sumagip sa akin mula sa bawat kaguluhan; ang aking mata ay nakatingin ng matagumpay laban sa aking mga kaaway.
For he hath delivered me out of all trouble: and mine eye hath seen his desire upon mine enemies.

< Mga Awit 54 >