< Mga Awit 53 >

1 Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, ''Walang Diyos.'' Masama (sila) at gumawa ng kasuklam-suklam na pagkakasala; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti. 2 Mula sa langit nakatanaw ang Diyos sa mga anak ng tao para tingnan kung may nakauunawa na naghahanap sa kaniya. 3 Ang bawat isa sa kanila ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; wala ni isang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. 4 Wala ba silang nalalaman, silang gumagawa ng pagkakasala, silang mga kumakain ng aking bayan gaya ng pagkain ng tinapay pero hindi tumatawag sa Diyos? 5 (Sila) ay nasa kalagitnaan ng matinding pagkatakot, kahit na walang dahilan para matakot; dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo; ang ganiyang mga tao ay ilalagay sa kahihiyan dahil (sila) ay tinanggihan ng Diyos. 6 O, ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion! Kapag ibinalik na ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!

< Mga Awit 53 >