< Mga Awit 52 >

1 Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki? Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay dumarating araw-araw. 2 Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa. 3 Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. (Selah) 4 Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila. 5 Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. (Selah) 6 Ang matuwid ay makikita rin ito at matatakot; tatawanan siya nila at sasabihing, 7 “Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.” 8 Pero para sa akin, katulad ko ang isang berdeng punong olibo sa tahanan ng Diyos; ako ay magtitiwala sa katapatan ng Diyos sa tipan magpakailanpaman. 9 Ako ay magbibigay pasasalamat, O Diyos, magpakailanman dahil sa mga bagay na iyong ginawa. Umaasa ako sa iyong pangalan, dahil ito ay mabuti sa harapan ng mga matatapat.

< Mga Awit 52 >