< Mga Awit 5 >

1 Makinig ka sa aking panawagan sa iyo, Yahweh; isipin mo ang aking mga daing. 2 Makinig ka sa tunog ng aking panawagan, aking Hari at aking Diyos, dahil sa iyo ako nananalangin. 3 Yahweh, sa umaga naririnig mo ang aking iyak; sa umaga dadalhin ko ang aking kahilingan sa iyo at maghihintay nang may pananabik. 4 Tiyak ngang hindi ka ang Diyos na pinahihintulutan ang kasamaan; ang mga masasamang tao ay hindi mo magiging mga panauhin. 5 Ang mayabang ay hindi tatayo sa harapan mo; kinamumuhian mo ang lahat nang kumikilos nang masama. 6 Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao. 7 Pero para sa akin, dahil sa iyong dakilang katapatan sa tipan, papasok ako sa iyong tahanan; sa paggalang, ako ay yuyuko sa dako ng iyong banal na templo. 8 O Panginoon, akayin mo ako sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; gawin mong tuwid ang iyong landas sa harap ko. 9 Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang panloob na pagkatao ay masama; ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan; nang-uuto (sila) gamit ang kanilang dila. 10 Ihayag mong (sila) ay may sala, O Diyos; nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila! Itaboy mo (sila) dahil sa maraming kasalanan nila, dahil (sila) ay sumuway laban sa iyo. 11 Pero nawa ang lahat ng kumukubli sa iyo ay magalak; hayaan mo silang laging sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol mo (sila) hayaan mo silang magalak sa iyo, (sila) na nagmamahal sa iyong pangalan. 12 Dahil pagpapalain mo ang matuwid, Yahweh; palilibutan mo (sila) ng pagpapala tulad ng isang kalasag.

< Mga Awit 5 >