< Mga Awit 34 >

1 Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig. 2 Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at (sila) ay matuwa. 3 Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan. 4 Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya. 5 Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya. 6 Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan. 7 Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at (sila) ay nililigtas niya. 8 Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya. 9 Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya. 10 Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti. 11 Halikayo, mga bata, makinig kayo sa akin; ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh. 12 Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay? 13 Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. 14 Tumalikod kayo sa kasamaan at gumawa ng mabuti; hangarin ninyo ang kapayapaan at ito ay palaganapin. 15 Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig. 16 Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo. 17 Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas (sila) 18 Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu. 19 Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay. 20 Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira. 21 Papatayin ng masama ang makasalanan; ang mga galit sa matutuwid ay mahahatulan. 22 Ang mga kaluluwa ng kaniyang mga lingkod ay tinutubos ni Yahweh; walang mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya.

< Mga Awit 34 >