< Mga Awit 3 >

1 Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako. 2 Maraming nagsasabi tungkol sa akin, “Walang tulong mula sa Diyos na darating para sa kaniya.” (Selah) 3 Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo. 4 Tinataas ko ang aking tinig kay Yahweh, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na burol. (Selah) 5 Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh. 6 Hindi ako matatakot sa maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin. 7 Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama. 8 Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. (Selah)

< Mga Awit 3 >