< Mga Awit 27 >

1 Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?
A Psalm of David. The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the stronghold of my life; of whom shall I be afraid?
2 Nang lumapit sa akin ang mga gumagawa ng kasamaan para lamunin ang aking laman, ang aking mga kalaban at ang aking mga kaaway ay nadapa at nabuwal.
When evil-doers came upon me to eat up my flesh, even mine adversaries and my foes, they stumbled and fell.
3 Kahit ang isang hukbo ay nagsasama-sama laban sa akin, ang aking puso ay hindi matatakot; kahit digmaan ay umusbong laban sa akin, kahit ganoon ay mananatili akong nagtitiwala.
Though a host should encamp against me, my heart shall not fear; though war should rise up against me, even then will I be confident.
4 Isang bagay ang aking hiniling kay Yahweh, at iyon ay aking hahanapin: na ako ay mananahan sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ng aking buhay, para makita ang kagandahan ni Yahweh at para magnilay-nilay sa kanyang templo.
One thing have I asked of the LORD, that will I seek after: that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to behold the graciousness of the LORD, and to visit early in His temple.
5 Dahil sa araw ng kaguluhan ay ikukubli niya ako sa kanyang kubol; sa loob ng kanyang tolda ay itatago niya ako. Itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato!
For He concealeth me in His pavilion in the day of evil; He hideth me in the covert of His tent; He lifteth me up upon a rock.
6 Pagkatapos ay itataas ang aking ulo nang mas angat kaysa aking mga kaaway na nasa paligid ko, at ako ay maghahain ng mga handog ng kagalakan sa kanyang tolda! Aawit ako at gagawa ng mga awitin kay Yahweh!
And now shall my head be lifted up above mine enemies round about me; and I will offer in His tabernacle sacrifices with trumpet-sound; I will sing, yea, I will sing praises unto the LORD.
7 Pakinggan mo, Yahweh, ang aking tinig kapag ako ay umiiyak! Maawa ka sa akin, at sagutin mo ako!
Hear, O LORD, when I call with my voice, and be gracious unto me, and answer me.
8 Sinasabi ng aking puso tungkol sa iyo, “Hanapin ang kaniyang mukha!” Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh!
In Thy behalf my heart hath said: 'Seek ye My face'; Thy face, LORD, will I seek.
9 Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin; huwag mong saktan ang iyong lingkod sa galit! Ikaw ang aking naging katuwang; huwag mo akong pabayaan o iwanan, Diyos ng aking kaligtasan!
Hide not Thy face from me; put not Thy servant away in anger; Thou hast been my help; cast me not off, neither forsake me, O God of my salvation.
10 Kahit na pabayaan ako ng aking ama o ng aking ina, si Yahweh ang mag-aaruga sa akin.
For though my father and my mother have forsaken me, the LORD will take me up.
11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Yahweh! Pangunahan mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway.
Teach me Thy way, O LORD; and lead me in an even path, because of them that lie in wait for me.
12 Huwag mo akong ibigay sa mga hangarin ng aking mga kaaway, dahil ang mga sinungaling na saksi ay nagsitindig laban sa akin, at (sila) ay bumuga ng karahasan!
Deliver me not over unto the will of mine adversaries; for false witnesses are risen up against me, and such as breathe out violence.
13 Ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi ako naniwala na makikita ko ang kabutihan ni Yahweh sa lupain ng mga buhay?
If I had not believed to look upon the goodness of the LORD in the land of the living! —
14 Maghintay kayo kay Yahweh; maging matatag, at hayaan na maging matapang ang inyong puso! Maghintay kayo kay Yahweh!
Wait on the LORD; be strong, and let thy heart take courage; yea, wait thou for the LORD.

< Mga Awit 27 >