< Mga Awit 25 >

1 Sa iyo Yahweh, Itinataas ko ang aking buhay!
ダビデの歌 主よ、わが魂はあなたを仰ぎ望みます。
2 Aking Diyos, ako ay nagtitiwala sa iyo. Huwag mo akong hayaang mapahiya; huwag mong hayaan na magalak ng may katagumpayan sa akin ang aking mga kaaway.
わが神よ、わたしはあなたに信頼します。どうか、わたしをはずかしめず、わたしの敵を勝ち誇らせないでください。
3 Nawa walang sinumang umaasa sa iyo ang maalipusta; nawa ang mga nagsisigawa ng kataksilan na walang dahilan ay mapahiya!
すべてあなたを待ち望む者をはずかしめず、みだりに信義にそむく者をはずかしめてください。
4 Ipaalam mo sa akin ang iyong mga kaparaanan, Yahweh, ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
主よ、あなたの大路をわたしに知らせ、あなたの道をわたしに教えてください。
5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, dahil ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; Ako ay umaasa sa iyo buong araw.
あなたのまことをもって、わたしを導き、わたしを教えてください。あなたはわが救の神です。わたしはひねもすあなたを待ち望みます。
6 Alalahanin mo, Yahweh, ang iyong mga gawa ng kahabagan at sa katapatan sa tipan; dahil lagi silang nananatili magpakailanman.
主よ、あなたのあわれみと、いつくしみとを思い出してください。これはいにしえから絶えることがなかったのです。
7 Huwag mong alalahanin ang tungkol sa mga kasalanan ng aking kabataan o ang aking pagrerebelde; alalahanin mo ako na may katapatan sa tipan dahil sa iyong kabutihan, Yahweh!
わたしの若き時の罪と、とがとを思い出さないでください。主よ、あなたの恵みのゆえに、あなたのいつくしみにしたがって、わたしを思い出してください。
8 Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
主は恵みふかく、かつ正しくいらせられる。それゆえ、主は道を罪びとに教え、
9 Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.
へりくだる者を公義に導き、へりくだる者にその道を教えられる。
10 Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
主のすべての道はその契約とあかしとを守る者にはいつくしみであり、まことである。
11 Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
主よ、み名のために、わたしの罪をおゆるしください。わたしの罪は大きいのです。
12 Sino ang taong may takot kay Yahweh? Tuturuan siya ng Panginoon sa daan na dapat niyang piliin.
主を恐れる人はだれか。主はその選ぶべき道をその人に教えられる。
13 Ang kanyang buhay ay magpapatuloy sa kabutihan; at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magmamana ng lupain.
彼はみずからさいわいに住まい、そのすえは地を継ぐであろう。
14 Ang pakikipagkaibigan ni Yahweh ay para sa mga nagbibigay karangalan sa kanya, at pinapahayag ang kanyang tipan sa kanila.
主の親しみは主をおそれる者のためにあり、主はその契約を彼らに知らせられる。
15 Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.
わたしの目は常に主に向かっている。主はわたしの足を網から取り出されるからである。
16 Bumaling ka sa akin at kaawaan mo ako; dahil ako ay nag-iisa at nahihirapan.
わたしをかえりみ、わたしをあわれんでください。わたしはひとりわびしく苦しんでいるのです。
17 Ang mga kaguluhan ng aking puso ay lumalawak; hanguin mo ako mula sa aking pagkabalisa.
わたしの心の悩みをゆるめ、わたしを苦しみから引き出してください。
18 Masdan mo ang aking paghihirap at mga pasakit; patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan.
わたしの苦しみ悩みをかえりみ、わたしのすべての罪をおゆるしください。
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, dahil (sila) ay marami; kinamumuhian nila ako nang may malupit na pagkagalit.
わたしの敵がいかに多く、かつ激しい憎しみをもってわたしを憎んでいるかをごらんください。
20 Pangalagaan mo ang aking buhay at sagipin mo ako; hindi ako mapapahiya, dahil nagkukubli ako sa iyo!
わたしの魂を守り、わたしをお助けください。わたしをはずかしめないでください。わたしはあなたに寄り頼んでいます。
21 Nawa ingatan ako ng dangal at pagkamakatwiran, dahil umaasa ako sa iyo.
どうか、誠実と潔白とが、わたしを守ってくれるように。わたしはあなたを待ち望んでいます。
22 Sagipin mo ang Israel, O Diyos, sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan!
神よ、イスラエルをあがない、すべての悩みから救いだしてください。

< Mga Awit 25 >