< Mga Awit 20 >

1 Nawa ay tulungan ka ni Yahweh sa araw ng kaguluhan; nawa ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang mangalaga sa iyo 2 at magpadala ng tulong mula sa banal na lugar para magtaguyod sa iyo sa Sion. 3 Nawa maalala niya ang lahat ng iyong mga alay at tanggapin ang iyong sinunog na handog. (Selah) 4 Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano. 5 Pagkatapos magagalak kami sa iyong tagumpay, at, sa pangalan ng ating Diyos, itataas namin ang mga bandila. Nawa ay ipagkaloob ni Yahweh ang lahat ng iyong kahilingan. 6 Ngayon alam ko na ililigtas ni Yahweh ang kaniyang hinirang; sasagutin siya mula sa kaniyang banal na kalangitan na may lakas ng kaniyang kanang kamay na maaari siyang sagipin. 7 Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos. 8 (Sila) ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid! 9 Yahweh, sagipin mo ang hari; tulungan mo kami kapag kami ay nananawagan.

< Mga Awit 20 >