< Mga Awit 2 >

1 Bakit naghihimagsik ang mga bansa, at ang mga tao ay nagsasabwatan nang walang kabuluhan?
Perché le genti congiurano perché invano cospirano i popoli?
2 Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama at ang mga namamahala ay nagsasabwatan laban kay Yahweh at laban sa kaniyang Mesias, sinasabing,
Insorgono i re della terra e i principi congiurano insieme contro il Signore e contro il suo Messia:
3 “Tanggalin natin ang mga posas na nilagay nila sa atin at itapon ang kanilang mga kadena.”
«Spezziamo le loro catene, gettiamo via i loro legami».
4 Siya na nakaupo sa kalangitan ay hahamakin (sila) kinukutya (sila) ng Panginoon.
Se ne ride chi abita i cieli, li schernisce dall'alto il Signore.
5 Pagkatapos, kakausapin niya (sila) sa kaniyang galit at tatakutin (sila) sa kaniyang poot, sinasabing,
Egli parla loro con ira, li spaventa nel suo sdegno:
6 “Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
«Io l'ho costituito mio sovrano sul Sion mio santo monte».
7 Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.
Annunzierò il decreto del Signore. Egli mi ha detto: «Tu sei mio figlio, io oggi ti ho generato.
8 Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa para sa iyong mana at ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari.
Chiedi a me, ti darò in possesso le genti e in dominio i confini della terra.
9 Wawasakin mo (sila) gamit ang isang bakal na setro; dudurugin mo (sila) tulad ng isang banga ng magpapalayok.”
Le spezzerai con scettro di ferro, come vasi di argilla le frantumerai».
10 Kaya ngayon, kayong mga hari, maging maingat; magpatuwid kayong mga namamahala sa mundo.
E ora, sovrani, siate saggi istruitevi, giudici della terra;
11 Sambahin si Yahweh nang may takot at magdiwang nang may panginginig.
servite Dio con timore e con tremore esultate;
12 Ibigay ang totoong katapatan sa kaniyang anak para hindi siya magalit sa inyo, at para hindi kayo mamatay kapag mabilis na sumiklab ang kaniyang galit. Mapalad ang lahat ng kumukubli sa kaniya.
che non si sdegni e voi perdiate la via. Improvvisa divampa la sua ira. Beato chi in lui si rifugia.

< Mga Awit 2 >