< Mga Awit 16 >

1 Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli. 2 Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo. 3 Para sa mga taong banal na nasa daigdig, (sila) ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila. 4 Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi. 5 Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana. 6 Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin. 7 Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin. 8 Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay! 9 Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag. 10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. (Sheol h7585) 11 Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!

< Mga Awit 16 >