< Mga Awit 16 >

1 Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli.
Michtam of David. Keep me, O God; for I have taken refuge in Thee.
2 Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo.
I have said unto the LORD: 'Thou art my Lord; I have no good but in Thee';
3 Para sa mga taong banal na nasa daigdig, (sila) ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila.
As for the holy that are in the earth, they are the excellent in whom is all my delight.
4 Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi.
Let the idols of them be multiplied that make suit unto another; their drink-offerings of blood will I not offer, nor take their names upon my lips.
5 Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana.
O LORD, the portion of mine inheritance and of my cup, Thou maintainest my lot.
6 Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin.
The lines are fallen unto me in pleasant places; yea, I have a goodly heritage.
7 Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin.
I will bless the LORD, who hath given me counsel; yea, in the night seasons my reins instruct me.
8 Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay!
I have set the LORD always before me; surely He is at my right hand, I shall not be moved.
9 Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag.
Therefore my heart is glad, and my glory rejoiceth; my flesh also dwelleth in safety;
10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. (Sheol h7585)
For Thou wilt not abandon my soul to the nether-world; neither wilt Thou suffer Thy godly one to see the pit. (Sheol h7585)
11 Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!
Thou makest me to know the path of life; in Thy presence is fulness of joy, in Thy right hand bliss for evermore.

< Mga Awit 16 >