< Mga Awit 149 >

1 Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat! 2 Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari. 3 Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit (sila) ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa. 4 Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan. 5 Magdiwang ang mga maka-diyos sa tagumpay; umawit (sila) sa galak sa kanilang mga higaan. 6 Nawa mamutawi sa kanilang mga bibig ang mga papuri para sa Diyos at sa kanilang kamay, isang espadang may magkabilang-talim, 7 para maghiganti sa mga bayan at parusahan ang mga tao. 8 Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas. 9 Isasagawa nila ang hatol na nasusulat. Ito ay magiging karangalan para sa mga tapat. Purihin si Yahweh.

< Mga Awit 149 >