< Mga Awit 146 >

1 Purihin si Yahweh. Aking kaluluwa, purihin si Yahweh. 2 Ako ay magpupuri kay Yahweh habang ako ay nabubuhay; ako ay aawit ng mga papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay. 3 Huwag mong ilagay ang iyong pagtitiwala sa mga prinsipe o sa sangkatauhan, kung saan walang kaligtasan. 4 Kapag ang hininga ng isang tao ay huminto, siya ay bumabalik sa lupa; sa araw na iyon matatapos ang kaniyang mga plano. 5 Mapalad siya na may Diyos ni Jacob para tulungan siya, na ang pag-asa ay na kay Yahweh na kaniyang Diyos. 6 Nilikha ni Yahweh ang langit at lupa, ang dagat, at ang lahat ng mayroon (sila) kaniyang pinagmamasdan ang pagiging mapagkakatiwalaan magpakailanman. 7 Siya ang nagpapatupad ng katarungan sa mga inaapi at nagbibigay ng pagkain sa nagugutom. Pinapalaya ni Yahweh ang mga bilanggo; 8 minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid. 9 Inaalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain; kaniyang pinapasan ang mga walang ama at mga balo, pero siya ang sumasalungat sa masasama. 10 Si Yahweh na iyong Diyos, ang maghahari magpakailanman, Sion, para sa lahat ng henerasyon. Purihin si Yahweh.

< Mga Awit 146 >