< Mga Awit 142 >

1 Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh. 2 Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan. 3 Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad (sila) ay nagtago ng patibong para sa akin. 4 Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay. 5 Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay. 6 Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil (sila) ay mas malakas kaysa sa akin. 7 Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”

< Mga Awit 142 >