< Mga Awit 13 >

1 Yahweh, gaano katagal mong kalilimutan ang tungkol sa akin? Gaano katagal mo itatago ang iyong mukha sa akin? 2 Gaano katagal ako dapat mag-alala at magkaroon ng kalungkutan sa aking puso sa buong araw? Gaano katagal magtatagumpay ang aking mga kaaway? 3 Tumingin ka sa akin at sagutin mo ako, Yahweh aking Diyos! Paliwanagin ang aking mga mata, o ako ay matutulog sa kamatayan. 4 Huwag mong hayaan na sabihin ng aking kaaway, “Natalo ko siya”, para ang aking kaaway ay hindi magsabing, “Ako ay nanaig sa aking kalaban”; kung hindi, ang aking mga kaaway ay magdiriwang kapag ako ay bumagsak. 5 Pero nagtiwala ako sa katapatan mo sa tipan; ang aking puso ay nagagalak sa iyong kaligtasan. 6 Aawit ako kay Yahweh dahil pinakitunguhan niya ako nang mabuti.

< Mga Awit 13 >