< Mga Awit 129 >

1 “Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel. 2 “Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo. 3 Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa (sila) ng mahabang ukit na daan. 4 Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.” 5 Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion. 6 Nawa maging tulad (sila) ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago, 7 na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos. 8 Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”

< Mga Awit 129 >