< Mga Awit 122 >

1 Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.” 2 Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem. 3 Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag. 4 Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh. 5 Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David. 6 Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! (Sila) ay giginhawa na nagmamahal sa inyo. 7 Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob ng inyong mga pader at kaginhawahan sa inyong mga tore. 8 Para sa mga kapakanan ng aking mga kapatid at kasamahan, sasabihin ko ngayon, “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa inyo.” 9 Para sa kapakanan ng tahanan ni Yahweh na ating Diyos, mananalangin ako para sa inyong ikabubuti.

< Mga Awit 122 >