< Mga Awit 122 >

1 Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.”
A Song of Ascents. By David. I was glad when they said to me, “Let’s go to the LORD’s house!”
2 Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem.
Our feet are standing within your gates, Jerusalem!
3 Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag.
Jerusalem is built as a city that is compact together,
4 Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh.
where the tribes go up, even the LORD’s tribes, according to an ordinance for Israel, to give thanks to the LORD’s name.
5 Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David.
For there are set thrones for judgment, the thrones of David’s house.
6 Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! (Sila) ay giginhawa na nagmamahal sa inyo.
Pray for the peace of Jerusalem. Those who love you will prosper.
7 Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob ng inyong mga pader at kaginhawahan sa inyong mga tore.
Peace be within your walls, and prosperity within your palaces.
8 Para sa mga kapakanan ng aking mga kapatid at kasamahan, sasabihin ko ngayon, “Magkaroon nawa ng kapayapaan sa inyo.”
For my brothers’ and companions’ sakes, I will now say, “Peace be within you.”
9 Para sa kapakanan ng tahanan ni Yahweh na ating Diyos, mananalangin ako para sa inyong ikabubuti.
For the sake of the house of the LORD our God, I will seek your good.

< Mga Awit 122 >