< Mga Awit 120 >

1 Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako. 2 Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila. 3 Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila? 4 Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo. 5 Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar. 6 Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan. 7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, (sila) ay para sa digmaan.

< Mga Awit 120 >