< Mga Awit 111 >

1 Purihin si Yahweh. Magbibigay ako ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso sa kapulungan ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon. 2 Ang mga gawain ni Yahweh ay dakila, nananabik na hinihintay ng lahat nang nagnanais sa kanila. 3 Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman. 4 Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain. 5 Nagbibigay siya ng pagkain sa kaniyang tapat na mga tagasunod. Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan. 6 Ipinamalas niya ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mana sa mga bansa. 7 Ang mga gawain ng kaniyang mga kamay ay mapagkakatiwalaan at makatarungan; lahat ng kaniyang mga tagubilin ay maaasahan. 8 Pinatatag (sila) magpakailanman, para masiyasat nang tapat at nang wasto. 9 Nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan; itinalaga niya ang kaniyang tipan magpakailanman; banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan. 10 Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan; ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa. Ang kaniyang kapurihan ay mananatili magpakailanman.

< Mga Awit 111 >