< Mga Awit 100 >

1 Sumigaw na may kagalakan kay Yahweh, buong daigdig.
Make a joyful noise to Jehovah, all ye lands.
2 Maglingkod kay Yahweh ng may kasiyahan; magsilapit sa kanyang presensiya na umaawit nang may kagalakan.
Serve Jehovah with gladness. Come before his presence with singing.
3 Kilalalanin ninyo na si Yahweh ay Diyos; siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kanya. Tayo ang kanyang bayan at mga tupa sa kanyang pastulan.
Know ye that Jehovah, he is God. It is he who has made us, and we are his. We are his people, and the sheep of his pasture.
4 Magsipasok kayo sa loob ng kanyang mga tarangkahan na may pagpapasalamat at sa loob ng kanyang mga silid na may pagpupuri. Pasalamatan at purihin ang kanyang pangalan.
Enter into his gates with thanksgiving, and into his courts with praise. Give thanks to him, and bless his name.
5 Dahil si Yahweh ay mabuti; ang kanyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman at ang kanyang pagiging totoo ay magpapatuloy sa lahat ng mga salinlahi.
For Jehovah is good. His loving kindness is forever, and his faithfulness to all generations.

< Mga Awit 100 >