< Mga Kawikaan 6 >

1 Anak ko, kapag ikaw ay nagtabi ng pera bilang isang pag-aako ng pagkakautang ng iyong kapit-bahay, kapag nagbigay ka ng pangako sa pagkakautang ng isang tao na hindi mo kilala,
Synu mój, jeśli poręczyłeś za swego bliźniego i dałeś porękę za obcego;
2 kung gayon naglatag ka ng isang patibong para sa iyong sarili sa pamamagitan ng iyong pangako, at ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
Związałeś się słowami ust twoich, schwytany jesteś mową twoich ust.
3 Kung gayon, anak kong lalaki, gawin mo ito at iligtas mo ang iyong sarili, dahil sa ikaw ay nasa habag ng iyong kapitbahay. Pumunta ka at magpakumbaba ka ng iyong sarili at magsumamo sa iyong kapitbahay na pakawalan ka.
Uczyń więc tak, synu mój, uwolnij się, gdy wpadłeś w ręce swego bliźniego; idź, upokórz się i nalegaj na twego bliźniego.
4 Bigyan mo ang iyong mga mata ng walang tulog at ang iyong talukap ng walang pagkakaidlip.
Nie daj snu swoim oczom i nie pozwól powiekom drzemać.
5 Iligtas mo ang iyong sarili gaya ng isang usa mula sa kamay ng mangangaso, katulad ng isang ibon mula sa kamay ng tagahuli ng hayop.
Uwolnij się jak sarna z rąk [myśliwego] i jak ptak z ręki ptasznika.
6 Tingnan mo ang langgam, ikaw na tamad na tao, pagmasdan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at maging matalino.
Idź do mrówki, leniwcze, przypatrz się jej drogom i bądź mądry;
7 Wala siyang tagapag-utos, opisyal, o tagapamahala,
Chociaż nie ma ona wodza ani przełożonego, ani pana;
8 gayon pa man ay naghahanda siya ng pagkain sa tag-init, at habang sa pag-aani ay nagtatabi ito ng kung ano ang kakainin.
To w lecie przygotowuje swój pokarm i gromadzi w żniwa swą żywność.
9 Gaano katagal ka matutulog, ikaw na tamad na tao? Kailan ka babangon mula sa iyong pagkatulog?
Jak długo będziesz leżał, leniwcze? Kiedy wstaniesz ze swego snu?
10 “Isa pang kaunting pagtulog, isa pang kaunting pagkaidlip, isa pang kaunting pagtiklop ng mga kamay upang magpahinga”—
Jeszcze trochę snu, trochę drzemania, trochę założenia rąk, aby zasnąć;
11 at ang iyong kahirapan ay darating sa iyo gayang isang magnanakaw at ang iyong pangangailangan gaya ng isang armadong sundalo.
A twoje ubóstwo przyjdzie jak podróżny i twój niedostatek jak mąż uzbrojony.
12 Ang isang walang kwentang tao— isang masamang tao— namumuhay sa kabaluktutan ng kaniyang salita,
Człowiek nikczemny i niegodziwy chodzi z przewrotnością na ustach;
13 pagkindat ng kaniyang mga mata, gumagawa ng hudyat gamit ang kaniyang mga paa, at pagturo ng kaniyang mga daliri.
Mruga swymi oczyma, mówi swymi nogami, wskazuje swymi palcami;
14 Siya ay may balak na masama na may daya sa kaniyang puso; palagi siyang nag-uudyok ng pag-aalitan.
Przewrotność [jest] w jego sercu, stale knuje zło [i] sieje niezgodę.
15 Kaya lulupigin siya sa isang iglap ng kaniyang kapahamakan; sa isang sandali siya ay masisira na higit sa kagalingan.
Dlatego nagle spadnie na niego nieszczęście; nagle zostanie złamany i pozbawiony ratunku.
16 Mayroong anim na bagay na kinamumuhian ni Yahweh, pito na kasuklam-suklam sa kaniya:
Jest sześć rzeczy, których nienawidzi PAN, siedem budzi w nim odrazę:
17 Ang mga mata ng isang mapagmataas na tao, ang isang dila na nagsisinungaling, ang mga kamay na nagpapadanak ng dugo ng mga inosenteng tao,
Wyniosłe oczy, kłamliwy język i ręce, które przelewają krew niewinną;
18 isang puso na lumikha ng mga masasamang balakid, mga paa na mabilis tumakbo para gumawa ng masama,
Serce, które knuje złe myśli; nogi, które spiesznie biegną do zła;
19 isang saksi na nagsasabi ng mga kasinungalingan, at ang isa na siyang naghahasik ng alitan sa kaniyang mga kapatid.
Fałszywy świadek, który mówi kłamstwa, i ten, który sieje niezgodę między braćmi.
20 Aking anak na lalaki, sundin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong talikdan ang katuruan ng iyong ina.
Synu mój, strzeż przykazania twego ojca i nie odrzucaj prawa twojej matki.
21 Palagi mong igapos ang mga ito sa iyong puso; itali mo ang mga ito sa iyong leeg.
Przywiąż je na zawsze do serca twego i zawieś je sobie na szyi.
22 Kapag ikaw ay lumakad, papatnubayin ka ng mga ito; kapag ikaw ay natulog, pagmamasdan ka nila; at kapag ikaw ay nagising, tuturuan ka nila.
Gdy będziesz chodził, poprowadzi cię; gdy zaśniesz, strzec cię będzie, a gdy się obudzisz, będzie mówić do ciebie;
23 Sapagkat ang mga utos ay isang ilawan, at ang katuruan ay isang liwanag; ang mga pagsaway ng disiplina ay ang mga daan ng buhay.
Bo przykazanie [jest] pochodnią, prawo światłością, a upomnienia do karności są drogą życia;
24 Iingatan ka nito mula sa imoral na babae, mula sa mapang-akit na mga salita ng nangangalunyang babae.
Aby cię strzegły przed złą kobietą [i] przed gładkim językiem obcej kobiety.
25 Huwag kang magnasa sa iyong puso sa kaniyang kagandahan, at huwag mo siyang hayaang mabihag ka ng kaniyang mga pilik mata.
Nie pożądaj w twoim sercu jej piękności i niech cię nie łowi swymi powiekami.
26 Ang pagtulog na kasama ang isang bayarang babae ay maaaring kabayaran ng halaga ng tinapay, pero ang babaeng asawa ng iba ay maaaring kabayaran ng buhay mo mismo.
Bo dla kobiety nierządnej [zubożeje człowiek] o kawałek chleba, a żona cudzołożna czyha na cenne życie.
27 Kaya ba ng isang lalaki na magbitbit ng apoy sa kaniyang dibdib na hindi nasusunog ang kaniyang mga damit?
Czy może ktoś wziąć ogień w zanadrze, a jego szaty się nie spalą?
28 Kaya ba ng isang lalake na lumakad sa ibabaw ng maiinit na mga uling na hindi napapaso ang kaniyang mga paa?
Czy może ktoś chodzić po rozżarzonych węglach, a jego nogi się nie poparzą?
29 Gayon din sa lalakeng nakikiapid sa asawang babae ng kaniyang kapwa; ang siyang natutulog kasama niya ay hindi maparusahan.
Tak ten, kto wchodzi do żony swego bliźniego; ktokolwiek ją dotknie, nie będzie bez winy.
30 Hindi hinahamak ng mga tao na ang isang magnanakaw kung siya ay nagnanakaw upang mabusog sa panahong gutom siya.
Nie pogardza się złodziejem, jeśli kradnie, by nasycić swoją duszę, będąc głodnym;
31 Gayon pa man kapag siya ay nahuli, siya ay magbabayad ng pitong beses kung ano ang kaniyang ninakaw; kailangan niya isuko ang lahat ng mahahalagang bagay sa kaniyang tahanan.
Ale [jeśli] go złapią, zwróci siedmiokrotnie [albo] odda cały dobytek swego domu.
32 Ang isa na nagkasala ng pangangalunya ay walang kaisipan; ang siyang gumagawa nito ay sinisira ang kaniyang sarili.
Lecz kto cudzołoży z kobietą, jest pozbawiony rozsądku; kto tak robi, gubi swoją duszę.
33 Sugat at kahihiyan ay nararapat sa kaniya, at ang kaniyang kasiraang puri ay hindi maaalis.
Znajdzie chłostę i wstyd, a jego hańba nie będzie zmazana.
34 Dahil ang pagseselos ay ginagawang galit na galit ang isang lalaki; kapag siya ay gumanti hindi siya magpapakita ng awa.
Bo zazdrość rozpala gniew mężczyzny i nie będzie pobłażał w dniu zemsty.
35 wala siyang tatanggaping kabayaran, at hindi siya mabibili, kahit maghandog ka ng maraming regalo sa kaniya.
Nie będzie miał względu na żaden okup i nie przyjmie darów, choćbyś najwięcej mu dawał.

< Mga Kawikaan 6 >