< Mga Bilang 32 >

1 Ngayon ang mga kaapu-apuhan ni Ruben at Gad ay may napakalaking bilang ng mga alagang hayop. Nang nakita nila ang lupain ni Jazer at Galaad, ang lupain ay isang mainam na lugar para sa mga alagang hayop.
Now the descendants of Reuben and of Gad had large numbers of livestock. When they saw the land of Jazer and Gilead, the land was a wonderful place for livestock.
2 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay dumating at nagsalita kay Moises, kay Eleazar na pari, at sa mga pinuno ng sambayanan. Sinabi nila,
So the descendants of Gad and Reuben came and spoke to Moses, to Eleazar the priest, and to the leaders of the community. They said,
3 “Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo, at Beon,
“This is a list of places we have surveyed: Ataroth, Dibon, Jazer, Nimrah, Heshbon, Elealeh, Sebam, Nebo, and Beon.
4 ang mga lupaing sinalakay ni Yahweh sa harap ng mamamayan ng Israel ay magandang mga lugar para sa mga alagang hayop. Kaming mga lingkod mo ay may maraming alagang hayop.”
These are the lands that Yahweh attacked before the community of Israel, and they are good places for livestock. We, your servants, have a lot of livestock.”
5 Sinabi nila, “Kung kami ay naging kalugud-lugod sa inyong paningin, hibigay mo sa amin ang lupaing ito, samga lingkod mo, bilang isang ari-arian. Huwag mo kaming hayaang tumawid sa Jordan.”
They said, “If we have found favor in your eyes, let this land be given to us, your servants, as a possession. Do not make us cross over the Jordan.”
6 Sumagot si Moises sa mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben, “Kailangan bang pumunta ang inyong mga kapatid na lalaki sa digmaan habang kayo ay nananatili dito?
Moses replied to the descendants of Gad and Reuben, “Should your brothers go to war while you settle down here?
7 Bakit ninyo pinahihina ang puso ng mga tao ng Israel sa pagpunta sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh?
Why discourage the hearts of the people of Israel from going over into the land that Yahweh has given them?
8 Ganoon din ang ginawa ng inyong mga ama nang ipadala ko sila mula sa Kades Barnea upang suriin ang lupain.
Your fathers did the same thing when I sent them from Kadesh Barnea to examine the land.
9 Umakyat sila sa lambak ng Escol. Nakita nila ang lupain at pagkatapos ay pinahina ang loob ng mga tao ng Israel kaya tumanggi silang pumasok sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yawheh.
They went up to the Valley of Eshkol. They saw the land and then discouraged the hearts of the people of Israel so that they refused to enter the land that Yahweh had given them.
10 Nag-alab ang galit ni Yawheh ng araw na iyon. Nanumpa siya at sinabi,
Yahweh's anger was kindled on that day. He took an oath and said,
11 'Tiyak na wala sa mga kalalakihang umalis mula Ehipto, mula dalawampung taong gulang pataas, ang makakakita sa lupaing aking ipinangako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, dahil hindi nila ako lubusang sinunod, maliban kay
'Surely none of the men who came up out of Egypt, from twenty years old and up, will see the land about which I swore to Abraham, to Isaac, and to Jacob, because they have not completely followed me, except for
12 Caleb na lalaking anak ni Jefune na Cenizita, at Josue na anak ni Nun. Tanging si Caleb at Josue ang lubusang sumunod sa akin.'
Caleb son of Jephunneh the Kenizzite, and Joshua son of Nun. Only Caleb and Joshua have completely followed me.'
13 Kaya nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel. Idinulot niyang magpaga-gala sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa ang lahat ng salinlahing gumawa ng masama sa kaniyang paningin ay nalipol.
So Yahweh's anger was kindled against Israel. He made them wander around in the wilderness for forty years until all the generation who had done evil in his sight was destroyed.
14 Tingnan mo, humalili kayo sa lugar ng inyong mga ama, tulad ng mas makasalanang mga tao, upang dumagdag sa nag-aalab na galit ni Yahweh sa Israel.
Look, you have risen up in your fathers' place, like just more sinful men, to add to Yahweh's burning anger toward Israel.
15 Kung tatalikod kayo mula sa pagsunod sa kaniya, iiwan niya muli ang Israel sa ilang at lilipulin ninyo ang lahat ng mga taong ito.”
If you turn away from following him, he will again leave Israel in the wilderness and you will have destroyed all this people.”
16 Kaya lumapit sila kay Moises at sinabi, “Payagan mo kaming magtayo ng mga bakod dito para sa aming mga baka at mga lungsod para sa aming mga pamilya.
So they came near Moses and said, “Allow us to build fences here for our cattle and cities for our families.
17 Gayunman, kami mismo ay magiging handa at nakasandatang sasama sa hukbo ng Israel hanggang sa mapangunahan namin sila sa kanilang lugar. Ngunit maninirahan ang aming mga pamilya sa mga pinagtibay na lungsod dahil sa ibang mga taong nananatili pa ring nakatira sa lupaing ito.
However, we ourselves will be ready and armed to go with Israel's army until we have led them into their place. But our families will live in the fortified cities because of the other people who still live in this land.
18 Hindi kami babalik sa aming mga tahana hangga't ang mga tao ng Israel, ang bawat lalaki ay magkaroon ng mana.
We will not return to our houses until every one of the people of Israel has obtained his inheritance.
19 Hindi namin mamanahin ang lupain kasama nila sa ibang panig ng Jordan, dahil ang aming mana ay narito sa dakonhg silangan ng Jordan.”
We will not inherit the land with them on the other side of the Jordan, because our inheritance is here on the east side of the Jordan.”
20 Kaya sumagot si Moises sa kanila, “Kung gagawin ninyo ang inyong sinabi, kung sasandatahan ninyo ang inyong mga sarili sa harap ni Yahweh upang makidigma,
So Moses replied to them, “If you do what you say, if you arm yourselves to go before Yahweh to war,
21 ang bawat isa sa inyong mga armadong lalaki ay kinakailangang tumawid sa Jordan sa harap ni Yahweh, hanggang sa mapaalis niya ang kaniyang mga kaaway mula sa harap niya
then every one of your armed men must cross over the Jordan before Yahweh, until he has driven out his enemies from before him
22 at naangkin ang lupain sa harap niya. Kung ganoon matapos iyon makakabalik na kayo. Mapapawalang-sala kayo kay Yahweh at sa Israel. Magiging inyong ari-arian ang lupaing ito sa harapan ni Yahweh.
and the land is subdued before him. Then afterward you may return. You will be guiltless toward Yahweh and toward Israel. This land will be your possession before Yahweh.
23 Ngunit kung hindi ninyo gagawin ito, tingnan ninyo, magkakasala kayo kay Yahweh. Tiyakin ninyong ang inyong kasalanan ay hahanapin kayo.
But if you do not do so, look, you will have sinned against Yahweh. Be sure that your sin will find you out.
24 Magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga pamilya at mga kulungan para sa inyong tupa; at gawin ninyo ang inyong sinabi.”
Build cities for your families and pens for your sheep; then do what you have said.”
25 Ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay nagsalita kay Moises at sinabi, “Ang inyong mga lingkod ay gagawin ang mga inutos mo, aming amo.
The descendants of Gad and Reuben spoke to Moses and said, “Your servants will do as you, our master, commands.
26 Ang aming mga paslit, ang aming mga asawa, ang aming mga kawan, at ang lahat ng aming alagang hayop ay mananatili doon sa mga lungsod ng Galaad.
Our little ones, our wives, our flocks, and all our livestock will stay there in the cities of Gilead.
27 Ganoon pa man, kami na inyong mga lingkod, ay tatawid sa harapan ni Yahweh upang makipaglaban, bawat lalaking armado para sa digmaan, gaya ng sinabi mo, aming amo.”
However, we, your servants, will cross over before Yahweh to battle, every man who is armed for war, as you, our master, say.”
28 Kaya nagbigay ng mga tagubilin si Moises tungkol sa kanila kay Eleazar na pari, kay Josue na anak na lalaki ni Nun, at sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno sa mga tribu ng mga tao ng Israel.
So Moses gave instructions concerning them to Eleazar the priest, to Joshua son of Nun, and to the leaders of the ancestor's clans in the tribes of the people of Israel.
29 Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay tatawid sa Jordan kasama ninyo, bawat lalaking armado upang makipaglaban sa harapan ni Yahweh, at kung ang lupain ay nilupig sa harap ninyo, ibibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Galaad bilang isang ari-arian.
Moses said to them, “If the descendants of Gad and Reuben cross over the Jordan with you, every man who is armed to battle before Yahweh, and if the land is subdued before you, then you will give them the land of Gilead as a possession.
30 Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyong armado, kukunin nila ang kanilang mga ari-arian sa piling ninyo sa lupain ng Canaan.”
But if they do not cross over with you armed, then they will acquire their possessions among you in the land of Canaan.”
31 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay sumagot at sinabi, “Ayon sa sinabi ni Yahweh sa amin, na inyong mga lingkod, ito ang gagawin namin.
So the descendants of Gad and Reuben answered and said, “As Yahweh has said to us, your servants, this is what we will do.
32 Kami ay tatawid na nakasandata sa harap ni Yahweh sa lupain ng Canaan, ngunit mananatili sa amin ang aming inangking mana sa bahaging ito ng Jordan.”
We will cross over armed before Yahweh into the land of Canaan, but our possessed inheritance will remain with us on this side of the Jordan.”
33 Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.
So to the descendants of Gad and Reuben, and also to the half tribe of Manasseh son of Joseph, Moses gave the kingdom of Sihon, king of the Amorites, and of Og, king of Bashan. He gave to them the land, and distributed to them all its cities with their borders, the cities of the land around them.
34 Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer,
The descendants of Gad rebuilt Dibon, Ataroth, Aroer,
35 Atrot Sopan, Jazer, Jogbeha,
Atroth Shophan, Jazer, Jogbehah,
36 Bet Nimra, at Bet Haran bilang mga pinatibay na lungsod na may mga kulungan para sa tupa.
Beth Nimrah, and Beth Haran as fortified cities with pens for sheep.
37 Muling itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Ruben ang Hesbon, Eleale, Kiriatim,
The descendants of Reuben rebuilt Heshbon, Elealeh, Kiriathaim,
38 Nebo, Baal Meon—na pinalitan kalaunan ang kanilang mga pangalan, at Sibma. Nagbigay sila ng ibang mga pangalan sa mga lungsod na kanilang muling itinayo.
Nebo, Baal Meon—their names were later changed, and Sibmah. They gave other names to the cities that they rebuilt.
39 Nagpunta ang mga kaapu-apuhan ni Maquir na anak na lalaki ni Manases sa Galaad at kinuha ito mula sa mga Amoreong naroon.
The descendants of Machir son of Manasseh went to Gilead and took it away from the Amorites who were in it.
40 Pagkatapos ibinigay ni Moises ang Galaad kay Maquir anak na lalaki ni Manases, at ang kaniyang mga tao ay nanirahan doon.
Then Moses gave Gilead to Machir son of Manasseh, and his people settled there.
41 Nagpunta si Jair na anak na lalaki ni Manases at sinakop ang mga nayon nito at tinawag ang mga itong Havot Jair.
Jair son of Manasseh went and captured its towns and called them Havvoth Jair.
42 Nagpunta si Noba at sinakop ang Kenat at mga kanayunan nito, at tinawag niya itong Noba, sunod sa kaniyang sariling pangalan.
Nobah went and captured Kenath and its villages, and he called it Nobah, after his own name.

< Mga Bilang 32 >