< Mga Bilang 20 >

1 Kaya ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay pumunta sa ilang ng Sin sa unang buwan; nanatili sila sa Kades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
斯てイスラエルの子孫の全會衆正月におよびてチンの曠野にいたれり而して民みなカデシに止りけるがミリアム其處にて死たれば之を其處に葬りぬ
2 Walang tubig para sa sambayanan, kaya nagtipun-tipon sila laban kina Moises at Aaron.
當時會衆水を得ざるによりて相集りてモーセとアロンに迫れり
3 Nagreklamo ang mga tao laban kay Moises. Sinabi nila, “Mas mabuti pa ngang namatay nalang kami nang mamatay ang kasamahan naming mga Israelita sa harap ni Yahweh!
すなはち民モーセと爭ひ言けるは嚮に我らの兄弟等がヱホバの前に死たる時に我等も死たらば善りしものを
4 Bakit mo dinala ang sambayanan ni Yahweh sa ilang na ito para mamatay dito, kami at ang aming mga hayop?
汝等何とてヱホバの會衆をこの曠野に導き上りて我等とわれらの家畜を此に死しめんとするや
5 At bakit mo kami inilabas sa Ehipto para dalhin kami sa nakakakilabot na lugar na ito? Walang butil dito, mga igos, mga puno ng ubas, o mga granada. At walang tubig na maiinom.”
汝らなんぞ我らをエジプトより上らしめてこの惡き處に導きいりしや此には種を播べき處なく無花果もなく葡萄もなく石榴も無くまた飮べき水も無し
6 Kaya umalis sina Moises at Aaron mula sa harap ng kapulungan. Pumunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at nagpatirapa. Doon nagpakita ang makinang na kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila.
是においてモーセとアロンは會衆の前を去り集會の幕屋の門にいたりて俯伏けるにヱホバの榮光かれらに顯れ
7 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabin,
ヱホバ、モーセに告て言たまはく
8 “Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ang sambayanan, ikaw at si Aaron na iyong kapatid. Magsalita ka sa bato sa kanilang paningin, at utusan mo ang bato na magpadaloy ng tubig. Makakakuha ka ng tubig para sa kanila mula sa batong iyan, at dapat mong ibigay ito sa sambayanan at sa kanilang mga baka para inumin.”
汝杖を執り汝の兄弟アロンとともに會衆を集めその眼の前にて汝ら磐に命ぜよ磐その中より水を出さん汝かく磐より水を出して會衆とその獣畜に飮しむべしと
9 Kinuha ni Moises ang kaniyang tungkod sa harap ni Yahweh gaya ng iniutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
モーセすなはちその命ぜられしごとくヱホバの前より杖を取り
10 At tinipong magkakasama nina Moises at Aaron ang kapulungan sa harap ng bato. Sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik. Dapat ba kaming magpadaloy ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?”
アロンとともに會衆を磐の前に集めて之に言けるは汝ら背反者等よ聽け我等水をしてこの磐より汝らのために出しめん歟と
11 Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
モーセその手を擧げ杖をもて磐を二度撃けるに水多く湧出たれば會衆とその獣畜ともに飮り
12 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dahil hindi kayo nagtiwala sa akin o inilaan ako na maging banal sa mga mata ng mga tao ng Israel, hindi ninyo madadala ang kapulungang ito sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.”
時にヱホバ、モーセとアロンに言たまひけるは汝等は我を信ぜずしてイスラエルの子孫の目の前に我の聖を顯さざりしによりてこの會衆をわが之に與へし地に導きいることを得じと
13 Tinawag ang lugar na ito na mga tubig ng Meriba dahil nakipagtalo ang mga tao ng Israel kay Yahweh doon, at ipinakita niya ang kaniyang sarili sa kanila bilang banal.
是をメリバ(爭論)の水とよべりイスラエルの子孫是がためにヱホバにむかひて爭ひたりしかばヱホバつひにその聖ことを顯したまへり
14 Nagpadala ng mga mensahero si Moises mula Kades sa hari ng Edom: Ito ang sinabi ng iyong kapatid na si Israel: “Alam mo ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin.
茲にモーセ、カデシより使者をエドムの王に遣して言けるは汝の兄弟イスラエルかく言ふ汝はわれらが遭し諸の艱難を知る
15 Alam mo na pumunta sa Ehipto ang aming mga ninuno at nanirahan sa Ehipto ng isang mahabang panahon. Tinuring kaming napakasama ng mga taga-Ehipto gayon din ang aming mga ninuno.
そもそも我らの先祖等エジプトに下りゆきて我ら年ひさしくエジプトに住をりしがエジプト人われらと我らの先祖等をなやましたれば
16 Nang tumawag kami kay Yahweh, dininig niya ang aming mga tinig at nagpadala siya ng isang anghel at inilabas kami sa Ehipto. Tingnan mo, narito kami sa Kades, isang lungsod sa hangganan ng iyong lupain.
我らヱホバに龥はりけるにヱホバわれらの聲を聽たまひ一箇の天の使を遣して我らをエジプトより導きいだしたまへり視よ我ら今は汝の邊境の邊端にあるカデシの邑に居るなり
17 Hinihiling kong pahintulutan mo kaming maadaan sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa bukirin o ubasan, ni iinom ng tubig sa iyong mga balon. Dadaan kami sa maluwang na daanan ng hari. Hindi kami liliko sa kanan o sa kaliwa hanggang makalampas kami sa iyong hangganan.”
願くは我らをして汝の國を通過しめよ我等は田畝をも葡萄園をも通過じまた井の水をも飮じ我らは第王の路を通過り汝の境をいづるまでは右にも左にもまがらじ
18 Subalit tumugon ang hari ng Edom sa kaniya, “Hindi ka maaaring dumaan dito. Kapag ginawa mo iyon, darating ako nang may espada upang salakayin ka.”
エドム、モーセに言けるは汝我の中を通過べからず恐くは我いでて劍をもて汝にむかはん
19 At sinabi ng mga tao ng Israel sa kaniya, “Dadaan kami sa maluwang na daanan. Kung uminom kami o ang aming mga alagang hayop ng iyong tubig, babayaran namin ito. Pabayaan mo lang kaming makadaan sa aming paa, wala kaming ibang gagawin.”
イスラエルの子孫エドムに言ふ我らは大道を通過ん若われらと我らの獣畜なんぢの水を飮ことあらばその値を償ふべし我は徒行にて通過のみなれば何事にもあらざるなりと
20 Subalit sumagot ang hari ng Edom, “Hindi kayo maaring dumaan.” Kaya dumating ang hari ng Edom laban sa Israel nang may isang malakas na kamay kasama ang maraming kawal.
然るにエドムは汝通過べからずといひて許多の群衆を率ゐて出で大なる力をもて之にむかへり
21 Hindi pumayag ang hari ng Edom na makatawid ang Israel sa kanilang hangganan. Dahil dito, lumayo ang Israel sa lupain ng Edom.
エドムかくイスラエルにその境の中を通過ことを容さざりければイスラエルは他にむかひて去り
22 Kaya naglakbay ang mga tao mula Kades. Ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay dumating sa Bundok Hor.
かくてイスラエルの子孫の會衆みなカデシより進みてホル山にいたれり
23 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom. Sinabi niya,
ヱホバ、エドムの國の境なるホル山にてモーセとアロンに告て言たまはく
24 “Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.
アロンはその死たる民に列らんイスラエルの子孫に我が與へし地に彼は入ことを得ざるべし是メリバの水のある處にて汝等わが言に背きたればなり
25 Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
汝アロンとその子エレアザルをひきつれてホル山に登り
26 Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”
アロンにその衣服を脱せてこれをその子エレアザルに衣せよアロンは其處に死てその民に列るべしと
27 Ginawa ni Moises ang inutos ni Yahweh. Umakyat sila sa Bundok Hor sa paningin ng sambayanan.
モーセすなはちヱホバの命じたまへるごとく爲し相つれだちて全會衆の目の前にてホル山に登り
28 Tinanggal ni Moises kay Aaron ang kaniyang kasuotang pangpari at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok. Pakatapos, bumaba si Moises at Eleazar.
而してモーセはアロンにその衣服をぬがせて之をその子エレアデルに衣せたりアロンは其處にて山の嶺に死り斯てモーセとエレアザル山よりくだりけるが
29 Nang makita ng sambayanang patay na si Aaron. Nagluksa ang buong bansa para sa kaniya ng tatlumpung araw.
會衆みなアロンの死たるを見て三十日のあひだ哀哭をなせりイスラエルの家みな然せり

< Mga Bilang 20 >