< Nehemias 5 >

1 Pagkatapos, ang mga lalaki at ang kanilang mga asawa ay dumaing nang napakalakas laban sa kanilang mga kapwa Judio.
Alors il se fit une grande clameur du peuple et de ses femmes contre leurs frères, les Juifs.
2 Dahil may mga iba na nagsabi “Kasama ng aming mga anak na lalaki at babae, kami ay marami. Kaya hayaan ninyong makakuha kami ng butil para makakain kami at patuloy na mabuhay.”
Et il y en avait qui disaient: Nos fils et nos filles sont en trop grand nombre; recevons du blé pour le prix que nous en retirerons, mangeons et vivons.
3 May mga iba rin na nagsabing, “Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom.”
Et il y en avait qui disaient: Engageons nos champs, nos vignes et nos maisons, et recevons du blé contre la famine.
4 May mga iba rin na nagsabing, “Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan.
D’autres disaient encore: Empruntons de l’argent pour les tributs du roi, et engageons nos champs et nos vignes.
5 Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan.”
Et pourtant, comme est la chair de nos frères, ainsi est notre chair, et comme sont leurs fils, de même aussi nos fils. Voilà que nous, nous réduisons nos fils et nos filles en servitude; il y a de nos filles esclaves, et nous n’avons pas de quoi nous puissions les racheter; et quant à nos champs et à nos vignes, des étrangers les possèdent.
6 Galit na galit ako nang narinig ko ang kanilang daing at ang mga salitang ito.
Et je fus extrêmement irrité quand j’ouïs leur clameur selon ces paroles:
7 Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, “Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid.” Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
Et mon cœur réfléchit en moi; je fis des reproches aux grands et aux magistrats, et je leur dis: Exigez-vous l’usure de vos frères? Et je réunis contre eux une grande assemblée,
8 at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
Et je leur dis: Nous avons racheté, comme vous le savez, les Juifs nos frères, qui avaient été vendus aux Gentils, selon que nous l’avons pu; et vous, vous vendrez donc vos frères, et nous les rachèterons? Et ils se turent, et ils ne trouvèrent rien à répondre.
9 Sinabi ko rin, “Hindi mabuti ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat kayong lumakad na may takot sa ating Diyos para maiwasan ang paghamak ng mga bansa na mga kaaway natin?
Et je leur dis: Ce n’est pas bien ce que vous faites; pourquoi ne marchez-vous pas dans la crainte de notre Dieu, afin qu’il ne nous soit point fait de reproches par les nations qui nous sont ennemies?
10 Ako at ang aking mga kapatid at ang mga lingkod ko ay nagpapautang sa kanila ng pera at butil. Pero dapat nating itigil ang paniningil ng tubo sa mga pautang na ito.
Pour moi, et mes frères et mes serviteurs, nous avons prêté au grand nombre de l’argent et du blé: soyons unanimes à ne point le redemander, et concédons l’argent étranger qui nous est dû.
11 Ibalik sa kanila ngayon mismong araw na ito ang kanilang mga bukirin, ang kanilang ubasan, at kanilang taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay at ang porsiyento ng pera, ng butil, ng bagong alak, at ng langis na siningil ninyo mula sa kanila.”
Rendez-leur aujourd’hui leurs champs et leurs vignes, leurs plants d’oliviers et leurs maisons: bien plus, même le centième de l’argent, du blé, du vin et de l’huile que vous avez coutume d’exiger d’eux, donnez-le pour eux.
12 Pagkatapos sinabi nila, “Ibabalik namin kung ano ang kinuha namin sa kanila, at wala kaming hihingin mula sa kanila. Gagawin namin ang sinabi mo.” Pagkatapos tinawag ko ang mga pari, at pinanumpa sila na gagawin ang kanilang ipinangako.
Et ils répondirent: Nous les rendrons, et nous ne leur demanderons rien, et nous ferons ainsi que vous dites. Alors j’appelai les prêtres, et les adjurai de faire selon ce que j’avais dit.
13 Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, “Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan.” Lahat ng kapulungan ay nagsabing, “Amen,” at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila.
De plus, je secouai mon vêtement, et je dis: Que Dieu secoue ainsi, hors de sa maison et de ses travaux, tout homme qui n’aura point accompli cette parole; qu’il soit ainsi secoué et dénué de tout. Et toute la multitude dit: Amen. Et ils louèrent Dieu. Le peuple fit donc comme il avait été dit.
14 Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador.
Or depuis le jour où le roi m’avait ordonné d’être chef dans la terre de Juda, depuis l’an vingt jusqu’à l’an trente-deux du roi Artaxerxès, pendant douze ans, moi et mes frères nous n’avons pas mangé les vivres qui étaient dus aux chefs.
15 Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos.
Mais les premiers chefs qui avaient été avec moi surchargèrent le peuple, et reçurent de lui, en pain, en vin et en argent, quarante sicles chaque jour; et même leurs serviteurs opprimaient le peuple. Mais moi, je n’ai point fait ainsi, à cause de la crainte de Dieu;
16 Patuloy rin akong gumawa sa pader, at wala kaming biniling lupa. At lahat ng mga lingkod ko ay nagtipon doon para sa gawain.
Bien plus, j’ai travaillé à la réparation du mur, je n’ai pas acheté de champ, et tous mes serviteurs étaient assemblés pour le travail.
17 Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin.
Les Juifs aussi et les magistrats, cent cinquante hommes, et ceux qui venaient à nous des nations qui sont autour de nous, étaient à ma table.
18 Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao.
Or on m’apprêtait tous les jours un bœuf, six béliers choisis, sans compter les volailles; et tous les dix jours je donnais des vins divers, et beaucoup d’autres choses: de plus, je n’ai pas même demandé les vivres dus à ma charge de chef; car le peuple était fort appauvri.
19 Alalahanin mo ako, aking Diyos, sa kabutihan, dahil sa lahat ng aking ginawa para sa mga taong ito.
Mon Dieu, souvenez-vous de moi en bien, selon tout ce que j’ai fait à ce peuple.

< Nehemias 5 >