< Mateo 21 >

1 Habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay papalapit na sa Jerusalem at dumating sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad
A gdy się przybliżyli do Jerozolimy i przyszli do Betfage na Górę Oliwną, wtedy Jezus posłał dwóch uczniów;
2 na nagsasabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makakakita kaagad kayo ng nakataling asno at may kasamang isang batang asno. Kalagan ninyo sila at dalhin sa akin.
Mówiąc im: Idźcie do wsi, która jest przed wami, a zaraz znajdziecie uwiązaną oślicę i oślątko z nią. Odwiążcie [je] i przyprowadźcie do mnie.
3 Kung may magsabi sa inyo ng kahit na ano sa inyo tungkol dito sabihin ninyo, 'Kailangan sila ng Panginoon,' at kaagad-agad ipapadala ng taong iyon ang mga iyon sa inyo.
A gdyby wam ktoś coś mówił, powiedzcie: Pan ich potrzebuje, a zaraz je puści.
4 Ngayon nangyari nga ito upang maganap kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng propeta. Sinabi niya,
To wszystko się stało, aby się wypełniło, co zostało powiedziane przez proroka:
5 “Sabihin sa anak na babae ng Sion, 'Tingnan mo, ang inyong Hari ay darating sa inyo, mapagpakumbaba at nakasakay sa asno at sa batang asno, ang anak ng asno.
Powiedzcie córce Syjonu: Oto twój król przychodzi do ciebie cichy, siedzący na ośle, na oślątku, źrebięciu oślicy.
6 At ang mga alagad ay nagpunta at ginawa kung ano ang ibinilin sa kanila ni Jesus.
Poszli więc uczniowie i uczynili tak, jak im nakazał Jezus.
7 Dinala nila ang asno at ang batang asno, at inilagay nila ang kanilang mga damit sa kanila, at umupo roon si Jesus.
Przyprowadzili oślicę i oślątko, położyli na nie swoje szaty i posadzili go na nich.
8 Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan, ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga kahoy at inilatag sa daan.
A wielki tłum słał swoje szaty na drodze, inni zaś obcinali gałązki z drzew i kładli na drodze.
9 Ang mga taong nauna kay Jesus at ang mga sumunod sa kaniya ay sumisigaw na nagsasabi, “Hosana sa anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Hosana sa kataas-taasan!”
A tłumy, które szły przed nim i za nim, wołały: Hosanna Synowi Dawida! Błogosławiony, który przychodzi w imieniu Pana! Hosanna na wysokościach!
10 Nang makarating si Jesus sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nagkagulo at nagsabi, “Sino ba ito?”
Kiedy wjechał do Jerozolimy, poruszyło się całe miasto i pytano: Któż to jest?
11 Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”
A tłumy odpowiadały: To jest Jezus, prorok z Nazaretu w Galilei.
12 Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos. At pinaalis palabas ang lahat ng mga namili at nagbebenta sa templo. At pinagbubuwal din niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati.
Wtedy Jezus wszedł do świątyni Boga i wypędził wszystkich sprzedających i kupujących w świątyni; poprzewracał stoły wymieniających pieniądze i stołki sprzedających gołębie.
13 Sinabi niya sa kanila, “Ito ay nasusulat, 'Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-panalanginan,' ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
I powiedział im: Jest napisane: Mój dom będzie nazwany domem modlitwy, a wy zrobiliście z niego jaskinię zbójców.
14 At pumunta sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga lumpo at sila ay pinagaling niya.
Wtedy ślepi i chromi podeszli do niego w świątyni, a on ich uzdrowił.
15 Subalit nang makita ng mga pinunong pari at ng mga eskriba ang mga kamanghamanghang mga bagay na kaniyang ginawa, at nang mapakinggan nila ang mga bata na sumisigaw sa templo at nagsasabi, “Hosana sa anak ni David,” sila ay lubhang nagalit.
A gdy naczelni kapłani i uczeni w Piśmie zobaczyli cuda, które czynił, i dzieci wołające w świątyni: Hosanna Synowi Dawida, rozgniewali się.
16 Sinabi nila sa kaniya, “Narinig mo ba kung ano ang sinasabi ng mga taong ito?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo! Ngunit hindi ba ninyo nababasa, 'Na mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga sumususo pa lamang ay ginawa mong ganap ang papuri'?”
I zapytali go: Słyszysz, co one mówią? A Jezus im odpowiedział: Tak. Czy nigdy nie czytaliście: Przez usta niemowląt i ssących przygotowałeś [sobie] chwałę?
17 At iniwan sila ni Jesus at nagtungo sa lungsod ng Betania at natulog doon.
A opuściwszy ich, wyszedł z miasta do Betanii i tam przenocował.
18 Kinaumagahan nang pabalik na si Jesus sa lungsod, nagutom siya.
A wracając rano do miasta, poczuł głód.
19 Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo. (aiōn g165)
I widząc przy drodze drzewo figowe, podszedł do niego, ale nie znalazł na nim nic oprócz samych liści. I powiedział do niego: Niech się już nigdy nie rodzi z ciebie owoc. I drzewo figowe natychmiast uschło. (aiōn g165)
20 At nang makita ito ng kaniyang mga alagad, namangha sila at sinabi, “Paanong ang puno ng igos ay kaagad-agad na natuyo?”
A gdy uczniowie to zobaczyli, dziwili się, mówiąc: Jak szybko uschło to drzewo figowe!
21 Sumagot at sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kung kayo ay may pananampalataya at hindi mag-alinlangan, hindi lang ninyo magagawa kung ano ang nangyari sa puno ng igos, maaari ninyo ring sabihin sa burol na ito, 'Maiangat ka at maihagis sa dagat,' at ito ay magaganap.
Wtedy Jezus im odpowiedział: Zaprawdę powiadam wam: Jeśli będziecie mieć wiarę i nie zwątpicie, nie tylko to, [co się stało] z drzewem figowym, uczynicie, ale jeśli i tej górze powiecie: Podnieś się i rzuć się do morza, stanie się [tak].
22 Lahat ng hihilingin ninyo sa panalangin na may paniniwala, matatanggap ninyo.”
I wszystko, o cokolwiek poprosicie w modlitwie, wierząc, otrzymacie.
23 Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, “Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?”
A gdy przyszedł do świątyni i nauczał, podeszli do niego naczelni kapłani i starsi ludu, pytając: Jakim prawem to czynisz? I kto dał ci tę władzę?
24 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasagutin ko rin kayo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
A Jezus im odpowiedział: I ja was spytam o pewną rzecz. Jeśli mi odpowiecie, i ja wam powiem, jakim prawem to czynię.
25 Ang bautismo ni Juan—saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?” Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, “Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?'
Skąd pochodził chrzest Jana? Z nieba czy od ludzi? A oni zastanawiali się między sobą i mówili: Jeśli powiemy, że z nieba, zapyta nas: Czemu więc mu nie uwierzyliście?
26 Kung sasabihin natin na, 'Galing sa tao,' natatakot tayo sa mga tao, sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang propeta.”
Jeśli zaś powiemy, że od ludzi – boimy się tłumu, bo wszyscy uważają Jana za proroka.
27 Sumagot sila kay Jesus at nagsabi, “Hindi namin alam.” Sinabi rin niya sa kanila, 'Kung gayon hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
Odpowiedzieli więc Jezusowi: Nie wiemy. On również im odpowiedział: I ja wam nie powiem, jakim prawem to czynię.
28 Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,'
Jak wam się wydaje? [Pewien] człowiek miał dwóch synów. Podszedł do pierwszego i powiedział: Synu, idź, pracuj dziś w mojej winnicy.
29 Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya.
Ale on odpowiedział: Nie chcę. Lecz potem odczuł żal i poszedł.
30 At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
Podszedł do drugiego i powiedział to samo. On zaś odpowiedział: [Idę], panie. Ale nie poszedł.
31 Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo.
Który z tych dwóch wypełnił wolę ojca? Odpowiedzieli mu: Ten pierwszy. Jezus im powiedział: Zaprawdę powiadam wam, że celnicy i nierządnice wchodzą przed wami do królestwa Bożego.
32 Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
Przyszedł bowiem do was Jan drogą sprawiedliwości, a nie uwierzyliście mu, ale celnicy i nierządnice mu uwierzyli. A wy, chociaż [to] widzieliście, nie odczuliście żalu, aby mu uwierzyć.
33 Pakinggan ang isa pang talinghaga. May isang tao na nagmamay-ari ng napakalawak na lupain. Nagtanim ng mga ubas at binakuran niya ito, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore ng bantay, at pinaupahan ito sa mga tagapag-alaga ng ubasan. At siya ay nagtungo sa ibang bayan.
Posłuchajcie innej przypowieści: Był pewien gospodarz, który założył winnicę. Ogrodził ją płotem, wykopał w niej prasę, zbudował wieżę i wydzierżawił ją rolnikom, i wyjechał.
34 Nang ang panahon ng pag-aani ng ubasan ay papalapit na, nagpadala siya ng ilan sa kaniyang mga utusan sa mga tagapag-alaga ng ubasan upang kunin ang kaniyang mga ubas.
A gdy nadszedł czas [zbiorów], posłał swoje sługi do rolników, aby odebrali plony tej [winnicy].
35 Subalit sinunggaban ng mga tagapag-alaga ng ubasan ang kaniyang mga utusan, pinalo ang isa, pinatay ang iba, at binato rin ang iba.
Lecz rolnicy schwytali jego sługi, jednego pobili, innego zabili, a jeszcze innego ukamienowali.
36 Minsan pa, ang may ari ay nagpadala ng iba pang mga utusan, mas marami pa sa nauna, subalit ganoon din ang ginawa sa kanila ng mga tagapag-alaga ng ubasan.
Wtedy posłał inne sługi, więcej niż za pierwszym razem, ale postąpili z nimi tak samo.
37 Pagkatapos noon, pinadala ng may-ari ang kaniyang sariling anak sa kanila, na nagsabi, ''Igagalang nila ang aking anak.'
W końcu posłał do nich swego syna, mówiąc: Uszanują mego syna.
38 At nang makita ng mga tagapag-alaga ng ubas ang anak, sinabi nila sa kanilang mga sarili, “Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at angkinin natin ang mana.'
Lecz rolnicy, gdy zobaczyli syna, mówili między sobą: To jest dziedzic. Chodźmy, zabijmy go, a posiądziemy jego dziedzictwo.
39 Kaya kinuha nila siya at itinapon palabas ng ubasan, at pinatay siya.
I schwytali go, wyrzucili z winnicy i zabili.
40 Ngayon, kung darating ang may ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga tagapag-alaga ng ubasan?”
Gdy więc przyjdzie pan winnicy, co zrobi z tymi rolnikami?
41 Sinabi nila sa kaniya, “Pupuksain niya sila na tampalasan na mga tao sa mabagsik na pamamaraan at ang ubasan ay pauupahan sa ibang tagapagpangalaga ng ubasan, sa mga taong magbabayad kapag ang ubas ay mahinog na.”
Odpowiedzieli mu: Złych srogo wytraci, a winnicę wydzierżawi innym rolnikom, którzy będą mu oddawać plony we właściwym czasie.
42 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa sa mga kasulatan, 'Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ay naging batong panulukan. Ito ay galing sa Panginoon, at ito ay kamanghamangha sa ating mga mata.'
Powiedział im Jezus: Czy nigdy nie czytaliście w Pismach: Kamień, który odrzucili budujący, stał się kamieniem węgielnym; Pan to sprawił i jest to cudowne w naszych oczach?
43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin niya sa inyo at ibibigay sa ibang bansa na mag-aalaga sa mga bunga nito.
Dlatego mówię wam: Królestwo Boże zostanie wam zabrane, a dane narodowi, który wyda jego owoce.
44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay mababasag ng pirapiraso. At kung kanino man ito babagsak, madudurog siya.”
A kto upadnie na ten kamień, rozbije się, na kogo zaś [on] upadnie, zmiażdży go.
45 Nang napakinggan ng mga punong pari at mga Pariseo ang kaniyang mga talinghaga, nakita nila na ang kaniyang sinasabi ay patungkol sa kanila.
Kiedy naczelni kapłani i faryzeusze usłyszeli jego przypowieści, domyślili się, że o nich mówił.
46 Subalit sa tuwing naisin nilang dakpin siya, natatakot sila sa mga tao sapagkat tinuturing siya ng mga tao na isang propeta.
I chcieli go schwytać, ale bali się tłumów, ponieważ uważały go za proroka.

< Mateo 21 >