< Lucas 5 >

1 Ngayon nangyari na habang nagsisiksikan ang maraming tao sa palibot ni Jesus at nakikinig sila sa salita ng Diyos, si Jesus ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret.
Once, when the people were pressing around Jesus as they listened to God’s message, he happened to be standing by the shore of the Lake of Gennesaret, and saw two boats close to the shore.
2 Nakakita siya ng dalawang bangka na nakapagilid sa pampang ng lawa. Nakababa na ang mga mangingisda mula dito at naglilinis sila ng kanilang mga lambat.
The fishermen had gone away from them and were washing the nets.
3 Sumakay si Jesus sa isa sa mga bangka, na pagmamay-ari ni Simon at hiniling niya sa kaniya na dalhin niya ito sa tubig na hindi kalayuan sa dalampasigan. Pagkatapos ay umupo siya at nagturo sa mga tao habang nasa bangka.
So, getting into one of the boats, which belonged to Simon, Jesus asked him to push off a little way from the shore, and then sat down and taught the people from the boat.
4 Nang matapos na siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Dalhin mo ang bangka sa mas malalim na tubig at ibaba ang inyong mga lambat para manghuli”.
When he had finished speaking, he said to Simon, “Push off into deep water, and throw out your nets for a haul.”
5 Sumagot si Simon at sinabi, “Panginoon, magdamag kaming nangisda ngunit wala kaming nahuli, ngunit sa iyong salita, ibababa ko ang mga lambat.”
“We have been hard at work all night, Sir,” answered Simon, “and have not caught anything, but, at your bidding, I will throw out the nets.”
6 Nang ginawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming bilang ng isda, at ang kanilang mga lambat ay nagsimulang mapunit.
They did so, and enclosed such a great shoal of fish that their nets began to break.
7 Kaya't kumaway sila kanilang kasamahan sa kabilang bangka upang puntahan at tulungan sila. Dumating sila at napuno ang dalawang bangka, kaya't sila ay nagsimulang lumubog.
So they signaled to their partners in the other boat to come and help them; and they came and filled both the boats so full of fish that they were almost sinking.
8 Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus, na nagsasabi, “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat ako ay taong makasalanan.”
When Simon Peter saw this, he threw himself down at Jesus’ knees, exclaiming, “Master, leave me, for I am a sinful man!”
9 Sapagkat siya ay namangha at ang lahat din na kaniyang mga kasama, sa dami ng isdang kanilang nahuli.
For he and all who were with him were lost in amazement at the haul of fish which they had made;
10 Kasama dito sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot, sapagkat mula ngayon, mangingisda ka na ng tao.”
and so, too, were James and John, Zebedee’s sons, who were Simon’s partners. “Do not be afraid,” Jesus said to Simon, “from today you will catch people.”
11 Nang madala nila sa dalampasigan ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kaniya.
And, when they had brought their boats to shore, they left everything, and followed him.
12 At nangyari nga na habang siya ay nasa isa sa mga lungsod, isang taong puno ng ketong ang naroon. Nang makita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa at nagmakaawa sa kaniya, na nagsabi, “Panginoon, kung iyong nanaisin, ako ay maaari mong linisin.”
On one occasion Jesus was staying in a town, when he saw a man who was covered with leprosy. When the leper saw Jesus, he threw himself on his face and implored his help, “Master, if only you are willing, you are able to make me clean.”
13 Pagkatapos, inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, na sinasabi, “Nais ko. Maging malinis ka.” At agad nawala ang kaniyang ketong.
Stretching out his hand, Jesus touched him, saying as he did so, “I am willing; become clean.” Instantly the leprosy left the man;
14 Siya ay pinagbilinan niya na huwag ipagsabi kahit kanino, sa halip, sinabi sa kaniya, “Pumunta ka sa iyong pupuntahan, at magpakita ka sa mga pari at mag-alay ka ng handog para sa iyong ikalilinis, batay sa mga kautusan ni Moises, bilang pagpapatotoo sa kanila.”
and then Jesus impressed on him that he was not to say a word to anyone, “but,” he added, “set out and show yourself to the priest, and make the offerings for your cleansing, in the manner directed by Moses, as evidence of your cure.”
15 Ngunit ang balita tungkol sa kaniya ay lalong kumalat, at maraming mga tao ang dumating upang pakinggan siyang magturo at upang mapagaling sa kanilang mga sakit.
However, the story about Jesus spread all the more, and great crowds came together to listen to him, and to be cured of their illnesses;
16 Ngunit siya ay madalas pumunta sa mga lugar na ilang at nanalangin.
but Jesus used to withdraw to lonely places and pray.
17 At nangyari nga sa isa sa mga araw na iyon na siya ay nagtuturo, at mayroong mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan ang nakaupo roon na nagmula pa sa mga iba't-ibang lugar sa mga rehiyon ng Galilea at Judea, at mula rin sa lungsod ng Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kaniya upang magpagaling.
On one of those days, when Jesus was teaching, some Pharisees and Doctors of the Law were sitting near by. (They had come from all the villages in Galilee and Judea, and from Jerusalem; and the power of the Lord was on Jesus, so that he could work cures.)
18 Ngayon ay may mga lalaking dumating, binubuhat ang isang paralitikong lalaki na nakalagay sa higaan, at sila ay naghanap ng paraan upang maipasok siya at mailagay sa harapan ni Jesus.
And there some men brought on a bed a man who was paralyzed. They tried to get him in and lay him before Jesus;
19 Hindi sila makahanap ng paraan upang siya ay maipasok dahil sa dami ng tao, kaya sila ay umakyat sa bubungan ng bahay at ibinaba nila ang lalaking nasa higaan sa kalagitnaan ng mga tao, sa mismong harapan ni Jesus.
but, finding no way of getting him in owing to the crowd, they went up on the roof and lowered him through the tiles, with his pallet, into the middle of the people and in front of Jesus.
20 Pagkakita niya sa kanilang pananampalataya, sinabi ni Jesus, “Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”
When he saw their faith, Jesus said, “Friend, your sins have been forgiven you.”
21 Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay nagsimulang magtanong tungkol dito, na sinasabi, “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos?” Sino ang nagpapatawad ng kasalanan, hindi ba't ang Diyos lamang?”
The teachers of the Law and the Pharisees began debating about this. “Who is this man who speaks so blasphemously?” they asked. “Who can forgive sins except God?”
22 Ngunit si Jesus, na nalalaman ang kanilang mga iniisip, sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit ninyo ito inuusisa sa inyong mga puso?
When Jesus became aware of the way in which they were debating, he turned to them and exclaimed, “What are you debating with yourselves?
23 Alin ang mas madaling sabihin, 'Napatawad ka na ng iyong mga kasalanan' o ang sabihing 'Tumayo ka at maglakad?'
Which is the easier? – to say ‘Your sins have been forgiven you’? Or to say ‘Get up, and walk’?
24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa mundo upang magpatawad ng mga kasalanan, sinasabi ko sa iyo, 'Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at pumunta ka sa iyong bahay.'”
But so that you may know that the Son of Man has power on earth to forgive sins” – he spoke to the paralyzed man – “To you I say, Get up, and take up your pallet, and go to your home.”
25 Agad siyang tumayo sa kanilang harapan at binuhat ang kaniyang higaan; pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Diyos.
Instantly the man stood up before their eyes, took up what he had been lying on, and went to his home, praising God.
26 Ang lahat ay namangha at niluwalhati nila ang Diyos. Sila ay napuno ng takot na sinasabi, “Nakakita tayo ng mga hindi pangkaraniwang bagay sa araw na ito.”
The people, one and all, were lost in amazement, and praised God; and in great awe they said, “We have seen marvelous things today!”
27 Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
After this, Jesus went out; and he noticed a tax-gatherer, named Levi, sitting in the tax office, and said to him, “Follow me.”
28 Kaya't iniwan ni Levi ang lahat, tumayo, at sumunod sa kaniya.
Levi left everything and got up and followed him.
29 Pagkatapos ay naghanda si Levi sa kaniyang bahay ng malaking handaan para kay Jesus, at maraming mga maniningil ng buwis ang nandoon, at iba pang mga taong nakasandal sa mesa ang kumakain kasama nila.
And Levi gave a great banquet at his house, in honor of Jesus; and a large number of tax collectors and others were having dinner with them.
30 Ngunit ang mga Pariseo at kanilang mga eskriba ay nagreklamo sa kaniyang mga alagad, na nagsasabi, “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga naniningil ng buwis at iba pang mga taong makasalanan?”
The Pharisees and the teachers of the Law belonging to their party complained of this to the disciples of Jesus.
31 Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang mga taong malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, ang mga taong may sakit lamang ang nangangailangan nito.
In answer Jesus said, “It is not those who are well who need a doctor, but those who are ill.
32 Hindi ako dumating upang tawagin sa pagsisisi ang mga taong matuwid, kundi tawagin sa pagsisisi ang mga taong makasalanan.”
I have not come to call the religious, but the outcast, to repent.”
33 Sinabi nila sa kaniya, “Ang mga alagad ni Juan ay madalas nag-aayuno at nananalangin, gayundin ang mga alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang iyong mga alagad ay kumakain at umiinom.”
“John’s disciples,” they said to Jesus, “Often fast and say prayers, and so do the disciples of the Pharisees, while yours are eating and drinking!”
34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Mayroon bang mag-uutos sa mga panauhin ng kasal na mag-ayuno habang kapiling pa nila ang lalaking ikakasal?
But Jesus answered them, “Can you make the groom’s friends fast while the groom is with them?
35 Subalit darating ang mga araw na aalisin mula sa kanila ang lalaking ikakasal, at sa mga araw na iyon sila ay mag-aayuno.”
But the days will come – a time when the groom will be taken away from them; and they will fast then, when those days come.”
36 Pagkatapos ay nagbahagi din si Jesus ng isang talinghaga sa kanila, “Walang tao ang gugupit ng kapirasong tela mula sa bagong damit upang tagpiin ang lumang damit. Kung ganyan ang gagawin niya, mapupunit niya ang bagong damit, at ang kapirasong tela mula sa bagong damit ay hindi babagay sa tela ng lumang damit.
Then, as an illustration, Jesus said to them, “No one ever tears a piece from a new garment and puts it on an old one; for, if they do, they will not only tear the new garment, but the piece from the new one will not match the old.
37 Gayundin naman, walang tao ang naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa niya ito, puputukin ng bagong alak ang mga sisidlang balat, at matatapon ang mga alak, at ang mga sisidlan ay masisira.
And no one puts new wine into old wine-skins; for, if they do, the new wine will burst the skins, and the wine itself will run out, and the skins be lost.
38 Ngunit ang mga bagong alak ay marapat na ilagay sa bagong sisidlang balat.
But new wine must be put into fresh skins.
39 Walang tao na pagkatapos uminom ng lumang alak, ay maghahangad na uminom ng bagong alak, dahil sasabihin niya, 'Ang luma ay mas mabuti.'”
No one after drinking old wine wishes for new. ‘No,’ they say, ‘the old is excellent.’”

< Lucas 5 >