< Lucas 3 >

1 Ngayon, sa ika-labinlimang taon na paghahari ni Tiberio Cesar, habang si Poncio Pilato ay gobernador sa Judea, at si Herodes ang tetrarka sa Galilea, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa rehiyon ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia,
第一款 洗者ヨハネの先駆 チベリオ、セザルの在位の十五年、ポンシオ、ピラトはユデアの総督たり、ヘロデはガリレア分國の王たり、其兄弟フィリッポはイチュレア及トラコニト地方分國の王たり、リサニアはアビリナ分國の王たり、
2 at sa panahon na sina Anas at Caifas ang pinakapunong pari, dumating ang salita ng Diyos ay kay Juan na anak ni Zacarias, sa ilang.
アンナとカイファとは司祭長たりし時、ザカリアの子ヨハネ、荒野に在りて主の御言を蒙り、
3 Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
ヨルダン[河]の全地方を巡りて、罪の赦を得させん為に、改心の洗禮を宣傳へたり。
4 Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas.
預言者イザヤの言の書に録して「荒野に呼はる者の聲ありて曰く、汝等主の道を備へ、其徑を直くせよ。
5 Ang bawat lambak ay mapupunan, ang bawat bundok at burol ay gagawing patag, ang mga likong daan ay magiging tuwid, at ang mga daang baku-bako ay gagawing maayos.
凡ての谷は填められ、凡ての山丘は坦され、曲れるは直くせられ、険しき處は平なる路となり、
6 Ang lahat ng tao ay makikita ang pagliligtas ng Diyos.”
人皆神の救を見ん」とあるに違はず。
7 Kaya sinabi ni Juan sa napakaraming bilang ng tao na dumarating upang magpabautismo sa kaniya, “Kayo na mga anak ng mga makamandag na ahas, sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na paparating?”
然てヨハネ、己に洗せられんとて出來れる群衆に云ひけるは、蝮の裔よ、來るべき怒を遁るる事を、誰か汝等に教へしぞ。
8 Mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi, at huwag ninyong simulan na sabihin sa inyong mga sarili, 'Mayroon tayong Abraham bilang ama natin,' dahil sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang lumikha ng mga anak para kay Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
然れば改心の相當なる果を結べよ。又我等の父にアブラハム在りと云はんとすること勿れ。蓋我汝等に告ぐ、神は是等の石よりアブラハムの為に子等を起すことを得給ふ。
9 Ang palakol ay nailagay na sa ugat ng mga puno. Kaya ang bawat puno na hindi namumunga nang mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.”
既に斧樹の根に置かれたり。故に総て善き果を結ばざる樹は、伐られて火に投入れらるべし、と。
10 At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi “Ano ang dapat naming gawin?”
群衆ヨハネに問ひて、然らば我等何を為すべきぞ、と云ひければ、
11 Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Kung ang isang tao ay may dalawang tunika, dapat niyang ibigay ang isa sa sinumang wala nito at sinuman ang may pagkain ay ganoon din ang dapat gawin.”
彼答へて、二枚の肌着を有てる人は有たぬ人に與へよ、食物を有てる人も同じ様にせよ、と云ひ居たり。
12 At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”
又税吏ありて、洗せられんとて來り、師よ、我等何を為すべきぞ、と云ひしかば、
13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.”
ヨハネ彼等に向ひ、汝等は定まりたる物の外、何をも取ること勿れ、と云へり。
14 May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.”
兵卒も亦之に問ひて、我等は何を為すべきぞ、と云へば、ヨハネ彼等に向ひ、汝等は、誰をも悩ますこと勿れ、又讒訴すること勿れ、己が給料を以て足れりとせよ、と云へり。
15 Ngayon, habang ang mga tao ay sabik na naghihintay na dumating si Cristo, nagtataka ang bawat isa sa kanilang mga puso kung si Juan mismo ang Cristo.
人民は待佗びて、ヨハネを或はキリストならんと、皆心に推量りつつありければ、
16 Sinagot sila ni Juan na nagsabi sa kanilang lahat, “Para sa akin, binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit may isang paparating na mas higit na makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kaniyang mgapnyapaks. Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
ヨハネ答へて人々に云ひけるは、實に我は水にて汝等を洗す、然れど我に優りて力或もの将に來らんとす、我は其履の紐を解くにも足らず。彼は聖霊と火とにて汝等を洗し給ふべし。
17 Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”
彼の手に箕ありて其禾場を潔め、麦は倉に収め、殻は滅えざる火にて焼き給ふべし、と。
18 Sa pamamagitan ng iba pang madaming panghihikayat, ipinangaral niya ang magandang balita sa mga tao.
ヨハネ尚多くの事を人に教へて、福音を宣べ居たり。
19 Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes.
然れど分國の王ヘロデ、其兄弟の妻ヘロヂァデの事に就き、又自ら為せる凡ての惡事に就きてヨハネに諌められければ、
20 Ngunit gumawa pa ng napakasamang bagay si Herodes. Ipinakulong niya sa bilangguan si Juan.
諸の惡事に今一を加へてヨハネを監獄に閉籠めたりき。
21 At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas.
第二款 イエズス自身の準備 人民挙りて洗せらるる時、イエズスも洗せられて祈り給ふに、天開け、
22 Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”
聖霊形に顕れて、鴿の如くイエズスの上に降り給ひ、又天より聲して、汝は我愛子なり、我汝によりて心を安んぜり、と曰へり。
23 Ngayon si Jesus mismo, nang siya ay nagsimulang magturo, ay nasa edad na tatlumpung taon. Siya ang anak na lalaki (ayon sa pagpapalagay ng mga tao) ni Jose na anak ni Eli
イエズス齢凡三十にして[聖役を]始め給ひ、人にはヨセフの子と思はれ居給ひしが、ヨセフの父はヘリ、其父はマタト、
24 na anak ni Matat na anak ni Levi na anak ni Melqui na anak ni Janai na anak ni Jose
其父はレヴィ、其父はメルキ、其父はヤンネ、其父はヨゼフ、
25 na anak ni Matatias na anak ni Amos na anak ni Nahum na anak ni Esli na anak ni Nagai
其父はマタチヤ、其父はアモス、其父はナホム、其父はヘスリ、其父はナッゲ、
26 na anak ni Maat na anak ni Matatias na anak ni Semei na anak ni Josec na anak ni Joda
其父はマハト、其父はマタチヤ、其父はセメイ、其父はヨゼフ、其父はユダ、
27 na anak ni Joanan na anak ni Resa na anak ni Zerubabel na anak ni Salatiel na anak ni Neri
其父はヨハンナ、其父はレサ、其父はゾロバベル、其父はサラチエル、其父はネリ、
28 na anak ni Melqui na anak ni Adi na anak ni Cosam na anak ni Elmadam na anak ni Er
其父はメルキ、其父はアッヂ、其父はコサン、其父はエルマダン、其父はヘル、
29 na anak ni Josue na anak ni Eliezer na anak ni Jorim na anak ni Matat na anak ni Levi
其父はイエズ、其父はエリエゼル、其父はヨリム、其父はマタト、其父はレヴィ、
30 na anak ni Simeon na anak ni Juda na anak ni Jose na anak ni Jonam na anak ni Eliaquim
其父はシメオン、其父はユダ、其父はヨセフ、其父はヨナ、其父はエリヤキム、
31 na anak ni Melea na anak ni Menna na anak ni Matata na anak ni Natan na anak ni David
其父はメレヤ、其父はメンナ、其父はマタタ、其父はナタン、其父はダヴィド、
32 na anak ni Jesse na anak ni Obed na anak ni Boaz, na anak ni Salmon na anak ni Naason
其父はイエッセ、其父はオベド、其父はボオズ、其父はサルモン、其父はナアッソン、
33 na anak ni Aminadab na anak ni Admin na anak ni Arni na anak ni Esrom na anak ni Farez na anak ni Juda
其父はアミナダブ、其父はアラム、其父はエスロン、其父はファレス、其父はユダ、
34 na anak ni Jacob na anak ni Isaac na anak ni Abraham na anak ni Terah na anak ni Nahor
其父はヤコブ、其父はイザアク、其父はアブラハム、其父はタレ、其父はナコル、
35 na anak ni Serug na anak ni Reu na anak ni Peleg na anak ni Eber na anak ni Sala,
其父はサルグ、其父はラガウ、其父はファレグ、其父はヘベル、其父はサレ、
36 na anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak ni Shem na anak ni Noe na anak ni Lamec na anak ni Metusalem na anak ni Enoc
其父はカイナン、其父はアルファクサド、其父はセム、其父はノエ、其父はラメク、
37 na anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Kenan
其父はマチュサレ、其父はエノク、其父はヤレド、其父はマラレエル、其父はカイナン、
38 na anak ni Enos na anak ni Set na anak ni Adan na anak ng Diyos.
其父はヘノス、其父はセト、其父はアダム、其父は神なり。

< Lucas 3 >