< Lucas 20 >

1 At nangyari sa isang araw, habang tinuturuan ni Jesus ang mga tao sa templo at ipinapangaral ang ebanghelyo, nilapitan siya ng mga punong pari at mga eskriba kasama ang mga nakatatanda.
On one of those days, as he was teaching the people in the temple and preaching the Good News, the priests and scribes came to him with the elders.
2 Nagsalita sila, at sinasabi sa kaniya, “Sabihin mo sa amin kung sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? O sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang ito?”
They asked him, “Tell us: by what authority do you do these things? Or who is giving you this authority?”
3 Sumagot siya at sinabi sa kanila, “May itatanong din ako sa inyo. Sabihin niyo sa akin ang tungkol
He answered them, “I also will ask you one question. Tell me:
4 sa pagbautismo ni Juan. Mula ba ito sa langit o mula sa tao?”
the baptism of John, was it from heaven, or from men?”
5 Nagusap-usap sila at sinabi, “Kapag sasabihin natin, 'Mula sa langit,' sasabihin niya, 'Kung ganoon bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'
They reasoned with themselves, saying, “If we say, ‘From heaven,’ he will say, ‘Why didn’t you believe him?’
6 Pero kung sasabihin natin, 'Mula sa tao,' babatuhin tayo ng lahat ng mga tao, dahil nahikayat sila na si Juan ay isang propeta.”
But if we say, ‘From men,’ all the people will stone us, for they are persuaded that John was a prophet.”
7 Kaya sumagot sila na hindi nila alam kung saan ito nagmula.
They answered that they didn’t know where it was from.
8 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko din sasabihin sa inyo kung saan galing ang aking kapangyarihan na gumawa ng mga bagay na ito.”
Jesus said to them, “Neither will I tell you by what authority I do these things.”
9 Sinabi niya sa mga tao ang talinghagang ito, “May isang taong nagtanim ng ubasan, pinaupa niya ito sa mga magtatanim ng ubas, at pumunta sa ibang bansa sa mahabang panahon.
He began to tell the people this parable: “A man planted a vineyard and rented it out to some farmers, and went into another country for a long time.
10 Nang dumating ang takdang panahon, pinapunta niya ang kaniyang utusan sa mga magtatanim ng ubas, upang siya ay bigyan nila ng bunga ng ubasan. Ngunit binugbog siya ng mga magtatanim ng ubas, at pinaalis siyang nang walang dala.
At the proper season, he sent a servant to the farmers to collect his share of the fruit of the vineyard. But the farmers beat him and sent him away empty.
11 Pagkatapos, pinapunta niya ang isa pang utusan, at siya ay binugbog din nila, at kahiya-hiya ang ginawa sa kaniya, at pinaalis siya nang walang dala.
He sent yet another servant, and they also beat him and treated him shamefully, and sent him away empty.
12 At pinapunta pa rin niya ang ikatlo at sinugatan din nila, at itinapon siya palabas.
He sent yet a third, and they also wounded him and threw him out.
13 Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan, 'Ano ang gagawin ko? Papupuntahin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Baka sakaling igalang nila siya.'
The lord of the vineyard said, ‘What shall I do? I will send my beloved son. It may be that seeing him, they will respect him.’
14 Ngunit nang makita siya ng mga magtatanim ng ubas, nag-usap-usap sila, sinasabing, 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapunta sa atin ang kaniyang mana.'
“But when the farmers saw him, they reasoned among themselves, saying, ‘This is the heir. Come, let’s kill him, that the inheritance may be ours.’
15 Pinalayas nila siya sa ubasan, at pinatay. Ano nga kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila?
Then they threw him out of the vineyard and killed him. What therefore will the lord of the vineyard do to them?
16 Siya ay darating at pupuksain ang mga magtatanim ng ubas at ipamimigay sa iba ang ubasan.” Nang marinig nila ito, sabi nila, “Huwag sanang pahintulutan ng Diyos ito!”
He will come and destroy these farmers, and will give the vineyard to others.” When they heard that, they said, “May that never be!”
17 Ngunit tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Ano ang kahulugan ng kasulatang ito? 'Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk'?
But he looked at them and said, “Then what is this that is written, ‘The stone which the builders rejected was made the chief cornerstone’?
18 Ang bawat isa na babagsak sa batong iyon ay magkakadurog-durog. Ngunit kung sinuman ang mabagsakan ng batong ito ay madudurog.”
Everyone who falls on that stone will be broken to pieces, but it will crush whomever it falls on to dust.”
19 Kaya pinagsikapan na hulihin ng mga eskriba at mga punong pari si Jesus sa oras ding iyon, dahil alam nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Ngunit natakot sila sa mga tao.
The chief priests and the scribes sought to lay hands on him that very hour, but they feared the people—for they knew he had spoken this parable against them.
20 Maingat siyang inaabangan, nagpadala sila ng mga espiya na nagkukunwaring matuwid upang makahanap sila ng pagkakamali sa kaniyang salita, upang ibigay siya sa batas at sa kapangyarihan ng gobernador.
They watched him and sent out spies, who pretended to be righteous, that they might trap him in something he said, so as to deliver him up to the power and authority of the governor.
21 Sila ay nagtanong sa kaniya, at sinabi, “Guro, alam naming nagsasabi at nagtuturo ka nang tama, at hindi ka nahihikayat ng sinuman, ngunit itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa daan ng Diyos.
They asked him, “Teacher, we know that you say and teach what is right, and aren’t partial to anyone, but truly teach the way of God.
22 Naayon ba sa batas na magbayad kami ng buwis kay Cesar, o hindi?”
Is it lawful for us to pay taxes to Caesar, or not?”
23 Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang katusuhan, at sinabi niya sa kanila,
But he perceived their craftiness, and said to them, “Why do you test me?
24 “Ipakita niyo sa akin ang isang dinario. Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito? At sinabi nila, “Kay Cesar.”
Show me a denarius. Whose image and inscription are on it?” They answered, “Caesar’s.”
25 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
He said to them, “Then give to Caesar the things that are Caesar’s, and to God the things that are God’s.”
26 Hindi mabatikus ng mga eskriba at mga pinunong pari ang kaniyang sinabi sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at wala silang nasabi.
They weren’t able to trap him in his words before the people. They marveled at his answer and were silent.
27 Nang magpunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang muling pagkabuhay,
Some of the Sadducees came to him, those who deny that there is a resurrection.
28 tinanong nila siya, sinabi, “Guro, sumulat si Moises sa amin na kung ang kapatid na lalaki ng isang lalaki ay namatay, na may asawa, at walang anak, dapat kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng anak para sa kaniyang kapatid.
They asked him, “Teacher, Moses wrote to us that if a man’s brother dies having a wife, and he is childless, his brother should take the wife and raise up children for his brother.
29 May pitong magkakapatid na lalaki at nag-asawa ang panganay, ngunit namatay nang walang anak,
There were therefore seven brothers. The first took a wife, and died childless.
30 at ganoon din ang pangalawa.
The second took her as wife, and he died childless.
31 Napangasawa ng ikatlong kapatid ang babae, at ganoon din ang pito ay hindi nag-iwan ng mga anak, at namatay.
The third took her, and likewise the seven all left no children, and died.
32 Pagkatapos ang babae ay namatay din.
Afterward the woman also died.
33 Sa muling pagkabuhay, kaninong asawa ang babae? Sapagkat siya ay naging asawa ng pito?
Therefore in the resurrection whose wife of them will she be? For the seven had her as a wife.”
34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn g165)
Jesus said to them, “The children of this age marry and are given in marriage. (aiōn g165)
35 Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn g165)
But those who are considered worthy to attain to that age and the resurrection from the dead neither marry nor are given in marriage. (aiōn g165)
36 At hindi na rin sila mamamatay, sapagkat kapantay nila ang mga anghel at sila ay mga anak ng Diyos, bilang mga anak ng muling pagkabuhay.
For they can’t die any more, for they are like the angels and are children of God, being children of the resurrection.
37 Ngunit ang mga patay ay binuhay na muli, maging si Moises ay ipinakita niya, sa lugar ng mababang punong kahoy, na tinawag niya ang Panginoon na ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.
But that the dead are raised, even Moses showed at the bush, when he called the Lord ‘The God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob.’
38 Ngayon, hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.”
Now he is not the God of the dead, but of the living, for all are alive to him.”
39 Sumagot ang ilan sa mga eskriba, “Guro, mahusay ang iyong sagot,”
Some of the scribes answered, “Teacher, you speak well.”
40 At hindi na sila nangahas pang magtanong sa kaniya ng anumang tanong.
They didn’t dare to ask him any more questions.
41 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paano nila nasabi na ang Cristo ay anak ni David?
He said to them, “Why do they say that the Christ is David’s son?
42 Sapagkat sinabi mismo ni David sa Aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, 'Umupo ka sa aking kanang kamay,
David himself says in the book of Psalms, ‘The Lord said to my Lord, “Sit at my right hand,
43 hanggang gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.'
until I make your enemies the footstool of your feet.”’
44 Kaya tinawag ni David ang Cristo na 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?”
“David therefore calls him Lord, so how is he his son?”
45 Habang nakikinig ang lahat ng mga tao, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad,
In the hearing of all the people, he said to his disciples,
46 “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong maglakad na nakasuot ng mahabang mga balabal, at gustong-gusto ang mga pagbati sa mga lugar na pamilihan, at mga upuang pandangal sa sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga pista.
“Beware of those scribes who like to walk in long robes, and love greetings in the marketplaces, the best seats in the synagogues, and the best places at feasts;
47 Nililimas din nila ang mga bahay ng mga balong babae, at nagpapanggap na nananalangin nang mahaba. Sila ay tatanggap ng mas mabigat na paghatol.”
who devour widows’ houses, and for a pretense make long prayers. These will receive greater condemnation.”

< Lucas 20 >